Lovi Poe durog ang puso sa pagpanaw ng fur baby: ‘Run freely now, Phoebe’

Lovi Poe durog ang puso sa pagpanaw ng fur baby: 'Run freely now, Phoebe'

PHOTO: Screengrab Instagram/@lovipoe

NAGLULUKSA ang aktres na si Lovi Poe sa pagpanaw ni Phoebe, ang alaga niyang aso sa loob ng 17 years.

Sa Instagram, ibinandera ni Lovi ang isang video na ipinapakita ang ilang masasayang alaala kasama ang fur baby.

Ayon sa kwento ng aktres, nakasama niya si Phoebe hanggang sa mga huling sandali nito.

“I was given the chance to be with her on her last sunrise [white heart emoji],” caption niya.

Dagdag niya, “Though the moment was tinged with sorrow, she had brought us immense joy for 17 years.”

Baka Bet Mo: Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Sa bandang huli ng kanyang post ay binanggit niya ang ilan pang namayapang fur babies na kasama na ngayon ni Phoebe.

“Run freely now, Phoebe, and jump around the clouds. Carry my love and kisses to my other cherished angels, Ross, Chibby, Chubby, and Seth [white heart emoji],” wika niya sa IG.

Mensahe pa niya sa alagang aso, “I love you always.”

Nakiramay naman ang ilang fellow celebrities kay Lovi at kabilang na riyan sina Carla Abellana, Jolina Magdangal, Benjamin Alves, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, at marami pang iba.

“Oh, Lovi… I’m so so so sorry…[crying emoji],” sey ni Carla.

Komento naman ni Jolina, “[crying face emoji]  I feel you Lovi.”

Lahad ni Cherry Pie, “Hugs Lovi [holding back tears, red heart emoji].”

Samantala, noong nakaraang linggo ay ibinandera ni Lovi na kabilang siya sa upcoming Hollywood independent film na “Bad Man” na pinagbibidahan ng “American Pie” star na si Seann William Scott.

Ang action-comedy film ay isang true story na tungkol sa isang federal state police officer na may serious meth problem na nakipag-team up sa isang “morally strict” local deputy upang maimbestigahan ang isang murder.

Kabilang sa mga producer ng pelikula ay ang mister ng aktres na si Monty Blencowe.

Read more...