Bela Padilla, Swiss boyfriend 4 years na: ‘Excited for our lives together’

Bela Padilla, Swiss boyfriend 4 years na: ‘Excited for our lives together’

PHOTO: Instagram/@bela

KAHIT madalas na malayo sa isa’t-isa, mukhang lalo pang nagiging matibay ang relasyon ng aktres na si Bela Padilla sa kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Sa katunayan nga, apat na taon na ang kanilang relasyon at ipinagdiriwang nila ito ngayong buwan.

Sa Instagram, ibinandera ni Bela ang kanyang short but sweet message para sa dyowa na sine-celebrate ang 4th anniversary nila.

“To the person who supports my mission to finish Hogwarts Legacy on the PlayStation and will happily take over the stages that are too scary for me, happy anniversary [red heart emoji] and I miss you!” mensahe niya kay Norman.

Baka Bet Mo: Bela kering-keri ang ‘LDR’ nila ng Swiss BF: Nu’ng makilala ko siya ang dami kong natutunan

Nag-post din ang kanyang Swiss boyfriend sa IG kalakip ang picture nilang dalawa.

“The 4 most exciting years filled with love, laughter and adventure with you my love @bela,” cpation sa post ng binata.

Napa-throwback pa nga si Norman at inalala ‘yung mga panahon na unang naging sila ni Bela.

“When we got together 4 years ago we were far apart and just learnt that we could not visit one another due to a global pandemic,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “We always had a bond that could withstand distance and time and we are proving it to each other.”

Ani pa ni Norman, “Incredibly excited for our lives together [red heart emojis] Happy anniversary [red heart emoji].”

Kung matatandaan, October 2020 nang ipinakilala ni Bela sa publiko ang kanyang foreign boyfriend.

Para sa mga hindi aware, noong December 2017 nang unang nagkakilala ang couple, habang nagte-taping ang aktres sa Switzerland para sa romantic film na “Meet Me in St. Gallen.”

Naging consistent ang kanilang komunikasyon hanggang sa maging couple na nga sila.

Sa mga dating interview, ipinaliwanag ni Bela kung bakit siya lumipat sa London at nilinaw na hindi ito dahil kay Norman.

“I didn’t move just to be with Norman although it does make it so much easier to be in London. At least now we are quite close to each other and he’s here a lot,” sey niya.

Para sa kaalaman ng marami, may pamilya si Bela na nakatira sa UK.

Read more...