Juancho, Joyce agree ba sa ‘love yourself muna o magmahal uli ng iba?’

Juancho, Joyce agree ba sa 'love yourself muna o magmahal uli ng iba?'

Joyce Pring at Juancho Trivino kasama ang mga anak na sina Alonso Eliam at Agnes Eleanor

KUNG ikaw ang tatanungin, paano mo sasagutin ang question na, “dapat bang mahalin muna ang sarili pagkatapos ma-heartbroken o magmahal na lang uli ng iba?”

Siguradong iba-iba ang matatanggap naming reply at reaksyon sa naturang tanong depende sa kanilang karanasan at sitwasyon na pinagdaraanan.

Sinagot ng Kapuso celebrity couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring ang nasabing hugot question sa pamamagitan ng isang video na mapapanood sa kanilang Instagram page.

Ayon sa Kapuso actor, mas gusto pa rin niya ang magmahal uli sa tamang tao na ipagkakaloob ng Diyos at bumuo ng sariling pamilya.

Baka Bet Mo: Pokwang pinagkumpara ang itsura noon sa awra ngayon: ‘Ako, nang matauhan at mahalin naman ang sarili…tah kaa! BOOM!’

“Ako kasi hopeless romantic ako. Confident ako in my vision, in my life, I really want to spend the rest of my life with somebody and ganun ‘yung nangyari sa atin,” lahad ni Juancho.

Sey naman ni Joyce, may punto rin naman ang kanyang husband pero for her, mas pipiliin niyang mahalin muna ang sarili. Inamin ng TV host na inakala niya noon na hindi na siya magmamahal ulit.


“I feel like I gave my everything and it still didn’t work so I was stuck in this idea na I’m just gonna love myself but I realized I think I needed to love myself before I could ever love again,” paliwanag ni Joyce.

Dugtong pa ng celebrity mom, “Feeling ko it’s just not in the cards for me, but hindi pala ‘yun totoo, meron talagang taong magmamahal at magmamahal din sa ‘yo.”

Agree naman sa kanya si Juancho kasabay ng pagsasabing, “You cannot pour from an empty cup.”

Dagdag na paliwanag ni Joyce, “Once you’ve learned to love yourself, then you have more than enough to overflow to love again.”

Read more...