MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi nagpo-post sa social media si Sarah Geronimo ng mga birthday at anniversary message para kay Matteo Guidicelli.
Tulad na lang daw sa kanilang 4th wedding anniversary celebration nitong nagdaang Martes, February 20, kung saan binati ni Matteo ang kanyang wifey sa pamamagitan ng Instagram.
Nag-share ang Kapuso actor at TV host ng mga sweet photos nila ni Sarah together sa IG kalakip ang kanyang anniversary message.
“4 years of ‘WOW!’ Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained.
Baka Bet Mo: Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’
“Looking forward to many many more years, forever. I love you. Thank you for being you,” ang bahagi pa ng caption ni Matteo.
At tulad ng mga nakaraan nilang wedding anniversary, walang nabasang message ang mga fans mula kay Sarah. As in parang dedma lang ang Box-Office Queen sa napakahalagang okasyon na ito sa kanyang buhay.
Sabi ng ilang Popsters, sana raw kahit paano’y mag-post din ng mensahe ang Kapamilya singer-actress sa kanyang IG page para sa kanyang mister. Iba pa rin daw kasi yung feeling na pine-flex ka ng iyong partner sa social media.
Pero pagtatanggol naman ng iba pang fans ni Sarah, mula pa naman daw noon ay hindi na vocal ang Popstar Royalty sa kanyang feelings sa social media.
Baka Bet Mo: Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud
Sure naman sila na binati na ng singer-actress si Matteo nang personal at yun naman daw ang pinakamahalaga sa lahat at hindi ang pagbati niya sa socmed.
Ikinasal sina Matteo at Sarah noong February, 2020. Naging kontrobersyal pa nga ito nang sumugod sa venue ng wedding ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine nang malaman niya ang tungkol sa kasalan.
Sa kanyang 20th anniversary concert last year, naibahagi ni Sarah ang ilang life lessons na nagmarka sa kanya bilang married woman.
“Alam n’yo po kung ano ‘yung natutunan namin sa marriage? Ang forever, hindi ‘yan guarantee na dahil pareho kayo ng faith ng mag-asawa, it will last forever.
“What can make it last for a long, long time is your faith in God. ‘Di ba, love? Continuous ‘yun, ‘yung pagtitiwala, that you continue to grow, kayong mag-asawa,” sey ni Sarah.
Sabi naman ni Matteo sa isang panayam, “I think marriage is the best, best thing that ever happened to me, and is happening. I don’t know, it’s just the best. I’m talking to my friends, sabi ko sa kanila, I recommend marriage to everybody as long as you found the right person in your life.
“As long as you found that person that you feel you can grow old and spend the rest of your life with. That’s very, very important. I’m not saying everything is perfect but I think that’s life. You go through the thick and thin holes in life, kumbaga,” dagdag ng aktor.