Rachel napagkamalan uling kakambal ni Leni: Handa nang magsilbi-kini!

Rachel napagkamalan uling kakambal ni Leni: Handa nang magsilbi-kini!

Rachel Alejandro at Leni Robredo

“SEPARATED at birth” talaga ang peg ni dating Vice-President na si Leni Robredo at ng OPM artist na si Rachel Alejandro.

Marami ang nag-react sa ipinost na litrato ni Rachel sa kanyang Facebook page para sa kanyang birthday last Sunday, February 18.

Makikita sa FB post ng singer-actress ang kanyang sexy photo na kuha sa isang beach resort.

“Gracias, everyone, for the birthday greetings! Muchos besos desde Puerto Rico!” ang inilagay na caption ni Rachel sa kanyang FB status.

Baka Bet Mo: Hugot ni Rachel Alejandro: Relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ako?

Maraming pumuri sa kaseksihan ni Rachel at nagsabing para rin siyang bampira na hindi tumatanda. Sa kabila kasi ng pagdagdag ng kanyang edad ay parang ganu’n pa rin ang kanyang itsura.

Pero ang nakatawag talaga ng pansin sa mga netizens ay ang malaking pagkakahawig ng singer kay Leni Robredo lalo na sa anggulo niyang naka-side ciew.


“Let Leni Lead the summer beach outfit.”

“Akala ko si VP Leni Robredo.”

“Kulay rosas ang bukas pa din.”

“It’s giving good governance.”

Baka Bet Mo: Rachel Alejandro umaming adik sa trabaho kaya ayaw magka-baby: ‘Yung priority talaga is work

“Madam Leniiiiii For the slay ka na naman.”

“#LetLeniSwim.”

“Heto na ating pinuno, handa nang magsun-bathing.”

“Handa nang magsilbi-kini.”

“It’s giving good governance.”

“Madam Leni Gerona Robredo kakambal ninyo po.”

“Sorry, akala ko si Madam Leni. My fault.”

“Leni Robredo multiverse! Happy Birthday Ms. Rachel.”

Read more...