NAIYAK ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda nang mapanood ang isang video na ginawa ng isang netizen para sa kanila ni Ion Perez.
Hindi napigilan ng TV host-comedian na maging emotional sa regalo ng isa niyang fan para sa selebrasyon ng love month.
Ni-repost ni Vice sa kanyang X account (dating Twitter) ang naturang video na ibinahagi ng X user na may handle name na @ViceIonOFC.
Mapapanood sa video ang compilation ng mga sweet moments ng mag-asawang Vice at Ion mula noong una silang magkita sa “It’s Showtime” taong 2017 hanggang sa mga interview at travels nila sa iba’t ibang bansa.
Baka Bet Mo: Lassy Marquez mabenta sa mga gwapong American at Australian: No money involved talaga!
“In life, their love story is woven with threads of bravery and unwavering commitment. Through the tempests of life, they held each other close, facing challenges hand in hand, and emerged victorious, their love shining brighter than ever before.
“Today, as we celebrate love’s triumph, let us honor the journey of this extraordinary couple whose bond has weathered storms and soared to new heights,” ang bahagi ng mahabang caption ng fan ni Vice.
Dagdag pa niya, “They are the epitome of courage, the embodiment of enduring love. May their hearts be filled with the deepest peace, knowing that every trial has only strengthened the foundation of their love.”
“Happy Valentine’s Day to a love that has conquered all, and continues to illuminate the world with its brilliance.”
Reaksyon naman ni Vice, “Grabe naman ‘to! Grabe ang iyak ko! Nagflashback lahat ng pinagdaanan namin.
“T*ng*na ang hirap! Pero ngayon ang sarap. Kahit di sumasang-ayon ang ibang tao umayon naman ang tadhana,” aniya pa.
Nauna rito, nagpalitan din ng Valentine message sa social media ang magkarelasyon kalakip ang kanilang mga litrato together.
“Feliz san valentin mi amor! (Happy Valentine’s Day my love!),” ang mensahe ni Ion kay Vice.
Ito naman ang message ni Vice sa kanyang asawa, “Our love is not just a story. It’s a statement. I love you Noi! Happy Valentine’s Day!”
Baka Bet Mo: Julia: Ang sarap kayang mawasak ang puso…kasi alam mong tumitibay ka, natututo ka
Sa isa niyang vlog, naibahagi ni Vice na si Aga Muhlach daw ang naging daan para magkakilala sila ni Ion. Nangyari ito sa isang episode ng dati niyang show na “Gandang Gabi Vice” noong 2017.
“Natatandaan mo ba, after a few years, tinext kita. Sabi ko, ‘Natatandaan mo ba yung guesting mo sa GGV? Yun yung pinakamahalagang GGV moment ko kasi nga yung guy na yun na pinakilala mo sa akin, nakatuluyan ko,” pag-alala ni Vice.
“Congrats ah! I’m really happy for you guys. Seriously, parang wala talaga, when the stars align, it really happens. It’s really in God’s perfect time. Always,” sabi ni Aga.
“I have so much respect for you guys, really for you and Ion. I see you guys play, poke fun at It’s Showtime I was like, sabi ko ‘sarap’. Ang galing, ang galing!” aniya pa.