NAGHAHANAP ba kayo ng entertainment na punong-puno ng pagmamahal upang maging extra special ang buwan ng pag-ibig?
Narito ang ilang pelikula at serye mula sa streaming service na Netflix na talaga namang papakiligin o kaya naman papaiyakin ka kahit meron kang partner, hopeless romantic, self-love advocate o kaya naman ay justice warrior.
Baka Bet Mo: Season 2 ng Korean hit series na ‘Squid Game’ aarangkada ngayong 2024
Players
Palabas na ang pelikulang “Players” na tungkol sa isang babaeng sportswriter na ilang taon nang puro landi lang ang ginagawa nang bigla siyang na-inlove sa isang lalaki.
“This film follows a New York sports writer armed with a playbook of clever hookup schemes and a little help from her friends. However, things take a turn when she unexpectedly falls for a fling,” sey sa inilabas na synopsis ng pelikula.
One Day
Showing na rin sa streaming service ang reimagined British series na pinamagatang “One Day.”
Nauna itong ipinalabas noong 2011 bilang film adaptation mula isang nobela na dating pinagtatambalan nina Anne Hathaway at Jim Sturgess.
“The story follows Dex and Em, who reconnect on the same day each year, navigating life’s highs and lows and learning about the importance of self-love,” ayon sa kwento ng serye.
Let’s Talk About CHU
Kung ang hanap niyo ay tungkol sa self-love, swak ang Taiwanese comedy series na “Let’s Talk About CHU.”
“This show serves up a hearty slice of life, exploring the multifaceted themes of sex, romance, and family dynamics through the lens of the Chu family. From the youngest daughter, Chu Ai, juggling her sex education social media channel, to her siblings navigating their own relationship dilemmas, this show is as relatable as it gets,” kwento sa press release ng Netflix.
Ready, Set, Love
Mapapanood na rin ang isa pang kakikiligan ng mga manonood – ang Thai series na “Ready, Set, Love.”
“Set in a world where men are vastly outnumbered, women must compete for the perfect gentlemen in a government-sponsored game show. It’s a playful exploration of the lengths we go to in the name of love,” saad sa synopsis ng serye.
Love Deadline
Kung sawa na kayo sa mga romantic films at series, pwede rin naman kayong kiligin sa Japanese reality dating show na “Love Deadline.”
Mapapanood diyan na babae ang hinihikayat na gumawa ng “first move” upang mag-propose o umamin sa nagugustuhang lalaki.
Ang show ay exclusively streaming na sa Netflix.
Damsel
Tungkol ito sa protagonist na si Princess Elodie na pinagbibidahan ng British actress na si Millie Brown na ginawang alay matapos pakasalan ang prinsipe ng isang royal family.
Narito ang synopsis ng pelikulang “Damsel”:
“A dutiful damsel agrees to marry a handsome prince, only to find the royal family has recruited her as a sacrifice to repay an ancient debt. Thrown into a cave with a fire-breathing dragon, she must rely on her wits and will to survive.”
Ipapalabas ang upcoming movie sa darating na March 8.
Irish Wish
Abangan ang second Netflix project ng Hollywood star na si Lindsay Lohan!
Ito ang American fantasy romantic comedy film na pinamagatang “Irish Wish” na nakatakdang ipalabas sa March 15.
Ang kwento nito: “When the love of her life gets engaged to her best friend, Maddie puts her feelings aside to be a bridesmaid at their wedding in Ireland.
“Days before the pair are set to marry, Maddie makes a spontaneous wish for true love, only to wake up to… a completely different reality.”
Rebel Moon: Part Two — The Scargiver
Sa April 19 na mapapanood ang continuation ng epic saga ni Kora ng “Rebel Moon” series kung saan pinaghahandaan na ng bida at ng surviving warriors ang mangyayaring matinding laban upang maprotektahan ang lugar na kanilang natuklasan.
Ang istorya ng “Rebel Moon: Part Two — The Scargiver” ay tungkol sa pakikipaglaban para sa pag-ibig, hustisya at lugar na matatawag nilang tahanan.
Bridgerton Season 3
Magkakaroon na ng bagong season ang hit romantic series na “Brigerton!”
Ang ikatlong serye ay iikot sa lihim na pag-iibig ni Penelope Featherington sa kanyang kaibigan at long-time crush na si Colin Bridgerton.
Ituturo sa bagong season na kailangang matutong mahalin muna ang sarili bago magmahal ng ibang tao.
Ang “Brigerton Season 3” ay mapapanood na sa darating na May 16.