HOROSCOPE November 01, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: A-uno na at nagkataong holiday pa! Magiging maganda ang pasok ng buwan at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa Disyembre. Sa pag-ibig at pinansyal, mas maraming suwerte ang malalasap. Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24, at 40. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at red buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  ‘Wag mag hinala ng hindi maganda sa mga nakakausap, darating ang panahong isa sa kanila ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang ang suyuan ay lalo pang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Namo-Namo-Aum.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Sa pinansiyal, ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 3, 6, 12, 14, 27, at 39. Mahiwaga  mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Silver at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Ituloy ang binabalak na lakad. Sa malayong lugar, makakatagpo ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, maiibsan ang kalungkutan kung lalayo muna sa kasalukuyang tinitirahan. Mapalad ang 5, 14, 32, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Deva-Om”. Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Kailangang magkaroon ng sariling negosyo, hindi nakapagpapayaman ang pamamasukan. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mag-init. Yayain siya sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 2, 16, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” White at green ang buenas.
– (July 23 – August 22)— Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon karin ng malaking halaga, tipid-tipid lang. Sa pag-ibig wag buntot ng buntot sa kasuyo, kailangang mag isip ka ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 4, 10, 28, 31, 40, at 45. Mahiwagwa mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Blue at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Simplification ang susi ng tagumpay. Wag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay lalo na sa pag-ibig at aspetong pang-pinansiyal. Kapag nagawa mo yan, pa-simple-simple lang pero rock, magtatamo ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Om.” Lilac at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Pahalagahan ang dalawang bagay, salapi at relasyon. Sa pag-ibig, wag baliwalain ang mga sweet message ng kasuyo, mag-reply ka naman kahit minsan. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Blue at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi dapat pang hinaan ng loob. Sa pamamagitan ng tapangmas lalong kang yayaman. Sa pag-ibig, lakas-loob na yayain ang kasuyo sa isang masarap na pakikipag-date. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pinansiyal, maghahanap ka na naman ng mahihiraman ng pera. Lumapit sa kaibigang Gemini. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansiyal, tumulong sa mga nangangailangan,  upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong  ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  ‘Wag mo ng intindihin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalukutang. Panahonna upang mag-move-on. Sa pinansyal, lalo mong mahalin at pahalagahan ang iyong salapi, dahil sa panahong maraming-marami kang salapi, darating ang araw na makaka-amot karin ng tunay na pag-ibig. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Pink at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Iwasang magdesisyon ng nakabatay sa damdamin. Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Red at lilac  ang buenas.

READ NEXT
Bigong guro
Read more...