Sulat mula kay Digna, ng Lantapan, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Ang tingin ko sa buhay ko ay bigo ako. Nangarap akong maging guro dahil ang aking tiyahin na ganap na guro at nais kong maging katulad niya. Mataas ang tingin ng tao dito sa amin sa mga guro. Hindi ako nakapasa sa exam. Hanggang ngayon ay wala akong trabaho dahil hinihintay ko pa rin ang tawag nmg agency. Nag-apply ako bilang DH sa Middle East. Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ako sa taon ito o sa 2014? Wala rin akong boyfriend, kaya gusto ko ring malaman kung kailan ba ako magkaka-boyfriend? May 19, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Digna, ng Lantapan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
P
Suwerte ka, dahil may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung bigo ka man sa iyong propesyo bilang guro, sa pangingibang bansa, kahit na domestic helper lang, tiyak ang magaganap, matutuloy ka at sa nasabing pag-aabroad, uunlad at papalarin ka.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Eight of Clubs, at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing lilipas ang ilang buwan, sa taon 2014 sa buwan ng Enero, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….
Bigong guro
READ NEXT
Life’s real victors
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...