Chelsea inispluk ang ‘expenses’ sa pageants: Gumastos siguro ako ng P500,000

Chelsea inispluk ang 'expenses' sa pageants: Gumastos siguro ako ng P500,000

PHOTO: Instagram/@chelseafernandez_

MAHIGIT sa kalahating milyon pala o higit pa ang nagagastos ng isang kandidata sa beauty pageant at sa national pa ‘yun, iba pa pag international pageant na.

Ito ang nalaman namin kay Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez nang makakuwentuhan namin siya bilang special guest sa pagbubukas ng “Hey Pretty Aesthetic Center” in SM Sta. Rosa, Laguna nitong Sabado, Pebrero 10.

Nabanggit kasi ni Chelsea na may plano ulit siyang sumali sa Binibiling Pilipinas na hopefully ay masungkit ang mas mataas na pwesto, pero kailangan niyang ihanda muna ang sarili at mag-ipon kaya naitanong kung bakit kailangan niya ng malaking halaga.

Bungad ni Chelsea, “Magastos ang sumali sa beauty pageant! Magastos ang sumali sa beauty pageant, especially now more on social media. More on pasabog. Depende na lang siguro kung makakahanap ka ng sponsor, makaka-collab mo or makaka-ex-deal mo.”

Baka Bet Mo: Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’

At dito naitanong kung anu-ano ba ang kasama sa malaking pagkakagastusan.

“In addition to daily makeup, you will also pay for your dress, jewelry, and photography. You need to come up with more creative and attention-grabbing ideas. It just depends on whether you can find a sponsor, you can collaborate or you can do an ex-deal. It’s really expensive,” kuwento ng dalaga.

At dito nabanggit na mahigit sa P500,000 ang gastos niya dalawang taon na ang nakararaan.

“Siguro nasa less than one million. Lahat kasi papasok eh: make-up, wardrobes, gowns, publicity. Lahat yun babayaran.

“In my case, when I joined Bb. Pilipinas. Gumastos ako siguro ng mga P500,000. I paid for my gown, my national costume, and tickets for my family and fans. Syempre sakop mo ‘yan eh,” pag-amin ni Chelsea.

Payo nito sa mga sumali na at hindi pinalad ay ‘wag daw madala, “huwag silang mapagod dahil nakakapagod ang pageant. It is draining physically and mentally. Tiring din ang training so sana huwag silang mapagod. They should use their dreams to be an inspiration and just go for it.”

At sa mga sumali ulit ngayong taon sa Miss Universe Philippines beauty pageant ay apat ang kaibigan niya at malaki ang potential na mai-uwi nila ang korona.

“Some of my friends are joining Miss Universe Philippines. I’m happy for them and rooting for them kasi nakasama ko sila sa ibang events. Parang apat yata sila from Bb Pilipinas na friends ko na sasali,” sambit ni Chelsea.

Pero ayaw naman banggitin kung sino ang apat at kung sino sa kanila ang malaki ang chance na manalo for 2024.

Aniya, “not because of her beauty alone but definitely because of her wit. She’s very close to me.”

Samantala, habang wala pang gaanong ginagawa si Chelsea bilang paghahanda ay hoping siya na magkaroon ng regular work since nagtapos naman siya ng broadcasting at puwedeng-puwede siya sa hosting at showbiz.

“I am open to showbiz opportunities. My course is broadcasting, so I plan to do hosting, something like that,” saad niya.

At open din siyang maging product endorser, “yeah, oo naman, lalo na dito sa ‘Hey Pretty Aesthetic Center’ kaya nga natuwa ako nu’ng sabihing isa ako sa mag-cut ng ribbon together with Ms Anne Barretto (CEO of Hey Pretty).  Nakilala ko rin ang franchisees na sina Kirsten Cassandra Bañas, Espie Bañas, at Jun Bañas for this branch in SM Sta. Rosa.”

Sabi naman ni Mr. Banas kaya niya napili ang nasabing brand para sa aesthetic center business nila, “Ang nakita talaga namin ay yung characteristic ng CEO natin at kung paano niya i-value yung business niya. Hindi na kami naghanap pa ng iba. Nakita ko na rin ang growth ng kanyang business from a few branches hanggang sa dumami ang branches niya nationwide. Ang bilis ng transition.”

Sey naman ni Ms Anne ay magkakaroon din ng ‘Hey Pretty Aesthetic Center’ nationwide.

“We hope to expand this year in the Visayas and Mindanao at magkakaroon na tayo ng additional celebrities bilang endorsers,” sambit ni Ms Anne.

Samantala, taong 2023 ay sina Beauty Gonzalez, Dennis Trillo, at Zeinab Harake ang brand ambassadors ng nasabing brand.

Sabi pa ni Ms Anne, “Kung magdadagdag po ako ng endorsers gusto ko rin younger ones para maka-relate yung mga Gen Z. Mas marami ang TikTok influencers this time.

“The last time nagpa-interview ako 20 branches pa lang ang ‘Hey Pretty.’ In 2024, balak ko po na magkaroon ng 50 to 100 branches nationwide. Before mga stand-alone lang ang outlets ko pero ngayon nililigawan na po ako ng ibang establishments para mag-lease sa lugar nila.”

Read more...