“PLEASE protect out future President.” Ito ang nabasa naming komento mula sa netizen na ang tinutukoy ay si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Kaliwa’t kanan ang papuri sa youngest mayor ng Metro Manila dahil tinupad niya ang pangakong ipasasara o paaalisin sa nasasakupan niyang lungsod ang mga pasugalan.
Nag-post si Mayor Vico sa kanyang Facebook account ng mga larawang isinara ang mga establisimyentong nag-o-operate ng mga nasabing pasugalan.
Ang caption ng mayor, “As promised, one year later, all establishments with both POGO and E-GAMES/E-BINGO have been CLOSED in Pasig City. To be fair to these businesses, we gave them 1 YEAR, 2023, to wind up their operations pursuant to Ordinance 55 s. 2022.
Baka Bet Mo: Ano kaya ang trabaho ni Vico ngayon kung hindi siya nanalong mayor ng Pasig?
“(1) Some POGOs were closed during my first term. (The last one, registered as a “BPO”, was raided by the NBI in 2022.).
“(2) As for the E-GAMES/E-BINGOS, their permits expired last December 31, 2023. We gave them a chance, more than 1 month, to peacefully close on their own. HOWEVER, in blatant disregard of the law and local government regulations, 18 of them continued operating without any permits until this February.
“Last Friday (Feb 9, 2024) I gave the order to our BPLD, with police assistance, to shut them down.
“Pinasa natin ang Ordinansa para ipagbawal ang mga establisyementong ito dahil wala naman silang magandang naidudulot sa lipunan.
“Ang dami nang nalulong, meron pang nagpakamatay at kaso ng HUMAN TRAFFICKING na kaugnay nito. Bukod pa ito sa lagayan na nangyayari sa konseho noon.
“Kung sasabihin nila na may ‘taxes’ silang binabayaran, ay hindi rin naman ganun kalaki ang mawawala sa atin. #UmaagosAngPagasa #Wheel
“[Note: hindi po kasama ang mga PCSO outlets na passive gaming gaya ng Lotto sa ordinansa],” ayon pa sa alkalde.
Baka Bet Mo: Maxene Magalona nag-share ng 8 tips para labanan ang kanegahan: ‘Pray, meditate, tapusin ang mga toxic relationship’
At dahil nga rito ay halos iisa na ang sinasabi ng netizens, susuportahan nila si Mayor Vico kapag kumandidato ito sa pagka-Pangulo ng bansa.
Sabi ni Vina Asuncion, “Job well done, Mayor Vico Sotto. Panalangin namin dumami pa ang mga mabubuting politiko na tulad nyo. To God be the glory Amen!”
Mula sa Surigao del norte volunteers, “Good job Mayor Vico Sotto Sana tularan ka ng lahat ng mayor sa buong Pilipinas. Mabuhay po kayo Basta Sotto subok na sa serbisyo.”
Sang-ayon din si Aizing DB na gayahin ng iba ang butihing Mayor ng Pasig City, “God Bless you more Mayor Vico Sotto,, You’re the best!!! Sana gayahin ng iba.”
Komento naman ng netizen na si Long Long, “Iba talaga ang outcome ng isang tao kapag may breeding maganda at maayos ang pag papalaki sa kanya ng mga magulang nya. Congrats Mayor Vico Sotto and proud Parents napaka swerte ko at naging mayor kita, namin, at buong Pasigeno.”
Ang dating resident ng Pasig na si Nene Cabigas ay proud din sa ginawa ni Vico, “Good job, Mayor Vico Sotto, so proud of you from an Ilongga, who also stayed in Pasig for almost 14yrs. Now, we’re back here in Iloilo City.”
Sabi naman ng taga-Pasig na si Jane-Guy Inocencio Perez, “Thank you Lord for Mayor Vico Sotto sending us for good governance in Pasiqueño. God Bless Pasig City!”
Opinyon ni Pael Corpin, “Kapag tlg hindi kayang ma-under the table ang namumuno sarado tlg aabutin ng mga hindi marunong sumunod s batas, kung lahat sa s gobyerno kagaya mo mayor ng pananaw maayos ang Pilipinas at nire-respeto, good job mayor.”
Say ni Isabel Valles Lovina, “Political Will! May his tribe increase.”