Monthly pension sa PVAO | Bandera

Monthly pension sa PVAO

Lisa Soriano - November 01, 2013 - 03:00 AM

GOOD day Aksyon Line.
Sumulat po ako sa inyo kasi nabasa ko po sa Bandera ang tungkol sa inyong aksyon at pagtulong sa mga problema sa ating mga ahensya o sangay ng gobyerno.

Ako po si Marilyn T. Vallejo, taga Pagadian City. Isa po akong housewife. Ang asawa ko po ay isang sundalo at namatay po siya noong May 8, 2010 sa Siocon, Northern Samar habang nagmomonitor ng PCOS machine sa area niya, na kung saan siya assigned as detachment commander (181D,11D,PA) bago mag presidential election.

Ang problema ko po ay hanggang ngayon o sa kasalukuyan ay hindi pa po kami nakakatanggap ng monthly pension sa PVAO at commutation (leave on balance) ng asawa ko.

Ang natanggap ko lang po ay RSPS last March 26, 2011 noong pumunta ako sa Manila para asikasuhin ang papeles ng asawa ko.

Naasikaso ko na lahat ang mga papeles sa Fort Bonifacio at Camp Aguinaldo pero po  hanggang ngayon wala pa po kaming natatanggap galing sa gobyerno na benipisyo, wala po akong trabaho na maitustos sa tatlo kong anak.

Meron akong estudyanteng 4th year college sa nursing at ang youngest ko po ay 7 yrs old at meron pong maintenance na gamot at every month ay may check pa po siya sa doctor. Sa ngayon, marami na po akong utang na hindi pa nababayaran tulad sa funeraria at memorial. Wala po ka-ming inaasahan na pambayad kung hindi ang matatanggap na benepisyo mula sa gobyerno.

Salamat po.
Marilyn T. Vallejo
Pagadian City

REPLY:
Mahal na Ginang Vallejo,

Base po sa aming mga rekords, kayo po ay nag-apply sa PVAO ng Old Age (OW- MCO-11-003274) at Death Pension (TS- MCO-11-003275) noong Marso 29, 2011. Kasabay din po ninyong inaplayan ang Death Pension ng inyong anak na si Ernest Matthew (TC-MCO-11-003276).

Lahat po ng inyong aplikasyon ay naaprubahan noong Mayo 5, 2011 at nagsimula po kayo sa pagtanggap ng inyong buwanang Old Age at Death Pensions noong Oktubre 2011 sa inyong AFPSLAI account.

Gayundin naman, ganap na pong nabayaran ng PVAO ang inyong
arrearages o backpay mula Hunyo 2010 hanggang Setyembre 2011 maging ang sa inyong anak na si Ernest Matthew.

Nabayaran na rin po ng PVAO ang inyong Burial Assistance noong 2011 kaya sa ngayon po ay wala nang pagkakautang sa inyo ang aming ahensiya.

Napag-alaman rin po namin na kailangan na ninyong magpa-update sa PVAO sa lalong madaling panahon. Paki-download po lamang ang Pensioner Update Form (PUF) mula sa aming website, www.pvao.mil.ph, punan at ipadala sa kalakip ng iba pang mga requirements sa Veterans Records Management Division, Veterans Compound, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kung kayo po ay may iba pang mga katanungan sa PVAO, amin pong lubos na ikalulugod kung kayo ay direstsong makikipag-ugnayan sa aming tanggapan. Mangyaring tumawag na lamang sa telepono bilang (02) 912-4526 (Office of the Administrator); 9124728 (Strategic Communications Section); 7094192 / 0917-6688072 (Finance Division).

Lubos na
gumagalang,
(SGD) Ms. Jet S.
Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending