Vandolph ‘namatay’ ng 1 minuto nang maaksidente; 1 month na-coma

Vandolph 'namatay' ng 1 minuto nang maaksidente; 1 month na-coma

Vandolph Quizon

ISANG buwan na-coma ang aktor at konsehal na si Vandolph Quizon noong maaksidente siya habang nagmamaneho ng kanyang kotse.

Binalikan ng anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy ang araw nang mamatay siya sa loob ng isang minuto matapos mabangga ang kanyang sasakyan.

Sa bagong vlog ng news anchor at broadcast journalist na si Julius Babao, napag-usapan nga ang tungkol sa kinasangkutang aksidente ni Vandolph na ikina-shock noon ng kanyang pamilya at mga tagasuporta.

Sey ng komedyante, hindi naman daw siya nagkaroon ng phobia o trauma matapos ang naturang insidente pero naging daan ito para triplehin ang pag-iingat sa pagmamaneho.

Baka Bet Mo: Quizon brothers bubuhayin ang mga classic paandar ni Dolphy: Wala kaming comparison sa galing nu’n!

“Ako kasi ang iniisip ko palagi, kapag nagka-phobia ako hindi ako makaka-move on. Kumbaga kailangan kong i-overcome ‘yung fear lagi.

“Pasalamat na lang talaga ako sa Panginoon na mayroon lang siyang plano sa akin siguro,” pahayag ni Vandolph.

Pero inamin naman ng aktor na napapanood ngayon sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, na ayaw na niyang madala o pumasok uli sa Intensive Care Unit (ICU).

Isa raw sa mga ginagawa niya, kapag  nararamdaman na niyang medyo bumibilis ang kanyang pagda-drive at automatic nang bumabagal siya.

“I died na for a minute, ‘di ba? One minute akong flat line (matapos ang aksidente).


“Actually, nag-cut yata ako noon, e. Tapos bumiyahe ako going to Baguio kami ng girlfriend ko. Tapos ‘yon na, umover take daw ako.

Baka Bet Mo: Eric Quizon sa pakikipagrelasyon: ‘Ang lovelife kapag meron, meron, kapag wala, wala!’

“Hindi raw ako pinagbigyan ng inovertake-an ko. Malayo pa naman ‘yong kasalubong. Hanggang sa bumabalik na ako sa likod ng inover take-an ko, bumabagal din.

“So hindi niya ako pinapabalik. So noong malapit na ‘yong kasalubong ko, umiwas siya ng shoulder. Doon din ako umiwas. So doon kami nag-meet,” pag-alala ni Vandolph.

At nang magkamalay na siya habang nakaratay sa ospital matapos ang aksidente, ang unang tanong daw sa kanya ng doktor ay kung anong huling bagay ang naaalala niya. Ang sagot niya, nagba-basketball daw siya.

“Pagdilat ko, hindi ako makagalaw. Biglang payat ako,” pahayag ni Vandolph.

Tanong ni Julius, “Meaning, matagal kang nakatulog.”

“One month akong coma. One month akong nasa ICU. Nag-flatline ako sa helicopter, sa chopper,” tugon ng anak ni Mang Dolphy.

Naaalala pa raw niya ang sinabi sa kanya ng Comedy King nang magising siya matapos ma-coma ng isang buwan, “Kapag tumatagal-tagal ka pa, baka maging stockholder na ako ng Makati Med niyan.”

Read more...