Ice sa 83rd birthday ng ina: Ikaw ang unang babaeng minahal ko

Ice ipinagdiriwang ang 83rd birthday ng ina: Ikaw ang unang babaeng minahal ko

PHOTO: Instagram/@iceseguerra

IBINANDERA ng OPM icon na si Ice Seguerra ang pagdiriwang ng ika-83rd birthday ng kanyang ina na si Nanay Caring.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ice ang latest at throwback pictures nilang mag-ina kalakip ang kanyang birthday message.

Mensahe ng singer, “Kaya mataas ang standards ko sa babae kasi ikaw ang unang babaeng minahal ko. Haha!”

Lubos din siyang nagpapasalamat kay Nanay Caring dahil sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya simula noong bata pa siya.

“Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalaga, mula noon at kahit ngayong kuwarenta na ako, hindi yun nagbago,” saad niya.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Wika pa ni Ice, “Pinagdarasal ko na sana yung health mo, manatiling maganda at malakas.”

“Kasi gusto namin na matagal pa tayong magkakasama. Tsaka para magawa mo pa rin yung mga gusto mong gawin, lalo na ang pagsayaw,” paliwanag niya.

Ani pa ng singer, “Mahal na mahal kita, mama ko. Thank you sa lahat! Happy 83rd birthday, Mama!!!”

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang nagpaabot ng “happy birthday” sa ina ni Ice.

“Happy birthday mommy! You did an amazing job with Ice. Does he still know how to swim? Hahahaha if not that is not my fault. I tried my best hahahaha! Enjoy your special day!” komento ng batikang singer na si Martin Nievera.

Saad naman ng actress-politician na si Aiko Melendez, “Happy birthday po tita Caring [heart emoji] Miss you po God bless you [happy face emoji].”

Ilan pa sa mga bumati ay sina Pops Fernandez, Ryan Agoncillo, Nikki Valdez, at marami pang iba.

Read more...