SA kauna-unahang pagkakataon nagkasama sa isang music project ang dalawang R&B stars na sina Denise Julia at DENȲ.
Ni-release nila ang bagong single na pinamagatang “don’t matter” via Sony Music Entertainment.
Kwento ni Denise Julia, tatlong taon ang inabot nila upang mabuo ang nasabing collaboration song.
Ayon sa inilabas na pahayag ng label company, mismong ang dalawang singer ang nagsulat ng kanta na tungkol sa empowerment, kalayaan at pagmamahal sa sarili.
“With Denise Julia’s powerhouse vocals blending perfectly with DENȲ’s sensual coos in the most exciting way possible, the song transforms into a charming, sing-along bop that’s centered on empowerment, freedom, and self-love—three virtues that triumph over the prospect of
everything going wrong in a leap of faith,” lahad ng Sony Music.
Baka Bet Mo: Mensahe ni Denise Julia sa bagong R&B banger na ‘B.A.D.’: ‘I want people to feel beautiful, confident, empowered!’
Noong nakaraang linggo lamang, naglabas ng music video si Denise Julia para sa bago niyang single na “Sugar n’ Spice.”
As of this writing, ang nasabing video ay pang number nine na sa “Trending for Music” ng YouTube at umaani na ito ng mahigit 400,000 views.
Nagkaroon naman ng record-breaking milestone si DENȲ sa pagtatapos ng taong 2023.
Naging hit kasi ang kanyang bagong album na may titulong “LOVES7AGE” na tampok ang ilang collab sa ilang OPM artists.
Kabilang na riyan ang “Alam Ko Na” kasama sina Just Hush and Third Flo’, pati na rin ang “Sabik” featuring Arthur Nery.
Ang “don’t matter” nina Denise Julia and DENȲ ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via Sony Music Entertainment.