AMINADO ang Kapamilya star na si Daniela Stranner na iniidolo at talagang tinitingala niya ang kapwa aktres na si Liza Soberano.
Sa isang intimate press conference na ginanap noong February 7, ibinahagi ng dalaga ang simula ng kanyang karera bilang artista.
“Honestly, pumasok po ako ng showbiz, wala akong alam sa mga Filipino stuff pero ang pinapanood ko po at the time was Forevermore. [‘Yung] kay Ate Liza and Kuya Enrique,” kuwento ni Daniela.
Dito ay inamin niya kung ano ang mga dahilan kung bakit hinahangaan niya si Liza.
“Si Ate Liza, she is the one I idolized ever since up until now. Super natutuwa po ako kung nasaan po siya ngayon, how she’s following her dreams and all,” sey pa ni Daniela.
Aniya, nais rin niyang maging katulad ng kay Liza ang maging takbo ng kanyang karera.
Baka Bet Mo: Daniela Stranner pinahanga ang netizens sa pag-arte sa ‘Senior High’
Ang pagiging matapang, determinasyong makamit ang kanyang mga pangara sa buhay, at ang pagbabalewala sa mga taong humahadlang sa kanyang daan ang mga bagay na hinahangaan ni Daniela sa dating Kapamilya star.
“I’ve always looked up to Liza [and her mindset when she] started in Hollywood. Super natutuwa po ako where she is now, kung nasa’n siya ngayon. Ang dami kong nababasang [backlash] pero look at her, hindi siya nagpapapigil.
“She is not listening to other people. She is still continuing what she wants to do. Ganon po kasi ako type na tao. I don’t listen to other people. If people bring me down, it is fine,” pagbabahagi pa ni Daniela.
Pagdating naman sa pag-arte ay bagamat hanga pa rin siya kay Liza, mas gusto raw niyang gawin ang kanyang sariling atake sa mga eksena.
“I do look up to Ate Liza, but when it comes to acting, I like to do my own thing. I like to study and build my own character. I don’t try to copy or remember how anyone acts. I want to build my own po,” sey pa ni Daniela.
Marami ang humanga sa young actress sa mahusay nitont pagganap sa “Senior High” ay muli itong mapapanood sa upcoming teleserye na “Pamilya Sagrado”.