Mga lihim nina Claudine at Raymart buking ng mga kaibigan

Claudine Barretto at Jenny Miller

NAABUTAN naming wagas ang pagsabunot ni Jenny Miller kay Angelu de Leon sa isang eksena nila sa Pyra ng GMA 7.
Kontrabidang-kontrabida ang peg ng kilos, boses at hitsura (bilang si Osang) ni Jenny na seksi pa rin until now. Emote na emote talaga siya sa aktingan nila ni Angelu.

“Masarap kasi. Challenging yung mga ganitong role,” sey nito sa amin. Masaya ang aktres na nagbabalik-showbiz at grateful siya na sunod-sunod na proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA.

Matatandaang dating taga-ABS-CBN si Jenny na nakilala bilang Star Magic Circle talent at isa sa mga laging gumaganap na “best friends” noon ni Claudine Barretto (remember the Marina days nila?). In fact, isa nga siya sa naging abay sa kasal nina Claudine at Raymart Santiago noon and when it was her turn to get married, biglang naging ninang naman niya si Claudine (yun daw kasi ang gusto ng aktres).

At dahil sobrang iskandaloso ang isyu sa mga ninang at ninong niya sa kasal, nasa-sad siya at sobrang nahihirapan din kahit napapanood lang niya sa news ang mga pangyayari. Napaka-safe pa nga nitong sumagot ng mga tanong namin ukol sa ex-couple, pero markadong-markado ang linya niyang, “Hindi po kami nagkulang ng pagbibigay ng payo at pakikisama sa kanila.”

Last year pa sila huling nagkausap ni Claudine at kahit no communication sila, alam niyang ramdam ng kaibigan niya ang suporta niya.

Pero nang itanong namin kung noon pa ba niya napi-feel na sa ganito mauuwi ang relasyon ng dalawa, walang kagatol-gatol na sinabi nitong “oo.”

Hmmm, mukhang kasing-init ng mga tagpo sa GMA afternoon show na Pyra ang nalalaman ni Jenny kina Claudine at Raymart, ha!

Read more...