Dominic relate na relate sa post na tungkol sa lovers na naging ‘strangers’

Dominic relate na relate sa post na tungkol sa lovers na naging ‘strangers’

PHOTO: Instagram/@dominicroque

SA gitna ng balitang hiwalayan, mukhang relate na relate ang aktor na si Dominic Roque sa isang social media post na tungkol sa mag-dyowa na naging “strangers.”

Nag-viral ang komento ni Dominic sa isang Instagram video na shinare ng American photographer-writer na si Tyler Wayne Glass.

Makikita sa comment section ang tatlong sad face na mga emojis na naging reaksyon ni Dom.

Baka Bet Mo: Prenup shoot nina Bea Alonzo, Dominic Roque nakaplano na sana sa Turkey

PHOTO: Screengrab from Instagram/@tylerwayneglass

Mapapanood sa video ang background narration na isinulat ng writer na si Lena Karla at heto ang kabuuan ng nakasalaysay sa nasabing hugot post: “I need you to do something for me. I need you to let me go. You have to let me let you go.”

“In another life, maybe it was you and me. Maybe there, we loved each other right, and we were happy together. Maybe in that life, we did all the things we said we would. But we got this one instead,” patuloy pa.

Ani pa, “You were my friend, my love, and now a stranger, but you’ll always be my favorite memory.”

Wala namang idinetalye ang aktor patungkol sa nasabing hugot video, pero maraming netizens ang tila nakiramay sa pinagdadaanan niya ngayon.

Baka Bet Mo: 2 senador naki-Marites kay Cristy Fermin tungkol sa condo ni Dominic

PHOTO: Screengrab from Instagram/@tylerwayneglass

Ayon sa sources ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda, tila sinusubukan pang ayusin ng dalawa ang kanilang relasyon kahit ibinalik na ni Bea ang engagement ring kay Dom.

Maliban kay Tito Boy, isa rin sa mga nagkumpirma na hiwalay na sina Bea at Dominic ay ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Hanggang ngayon, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang dating mag-couple tungkol sa kanilang breakup.

Read more...