Rivermaya may compilation album, pa-throwback sa kanilang ‘Greatest Hits’

Rivermaya may compilation album, pa-throwback sa kanilang ‘Greatest Hits’

PHOTO: Courtesy Sony Music

NAG-RELEASE ng bagong compilation album ang iconic alt-rock band na Rivermaya bago maganap ang kanilang reunion concert.

Ito ang “Himig ng Dekada 90” na nilalaman ang ilang “greatest hits” ng banda mula pa noong 1994 hanggang 1998.

Narito ang tracklist ng Pinoy classics ng banda na kabilang sa compilation album:

Baka Bet Mo: Maris feel na feel ang hit song ng Rivermaya: Safe ‘yung feeling ko kapag nandiyan si Rico

1. Hinahanap-hanap Kita

2. Ulan

3. 214

4. Elesi

5. Himala

6. Awit Ng Kabataan

7. If

8. Kisapmata

9. Panahon Na Naman

10. Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

11. Bring Me Down

12. Luha

13. 214 (Tripnotic Mix)

14. Kisapmata (Mayhem Mix)

Kung matatandaan, ang original members ng Rivermaya sa mga panahon na ‘yan ay sina Bamboo Mañalac, Mark Escueta, Nathan Azarcon, at Rico Blanco.

Ayon sa banda, nais nilang iparating sa bagong album ang pananaw nila sa musika.

“There are powerful messages in the songs, for those who need to hear them,” sey ng drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta sa inilabas na Sony Music.

Patuloy niya, “Overall, it’s fun to listen to the songs, even the sad ones. We’re honored that we get to share our music and inspire people on a personal, intimate level.”

“We no longer own these songs; they belong to anyone who dares to wholeheartedly embrace them and still emerge whole from the process. It’s everyone’s songs now,” ani pa niya.

Nabanggit din ng iconic band na ang compilation album ay patikim nila para sa inaabangang reunion concert sa darating na February 17 sa SMDC Festival Grounds.

Ang “Rivermaya – Greatest Hits: Himig Ng Dekada 90” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Ang tickets naman para sa “Rivermaya The Reunion” concert ay mabibili sa website ng Live Nation Philippines at SM Tickets outlets.

Read more...