SA gitna ng tinatanggap na batikos at kanegahan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo, nakiusap si Dominic Roque sa mga bashers at haters.
Habang patuloy na pinag-uusapan ang umano’y paghihiwalay nina Bea at Dominic ay kanya-kanyang hula naman ang netizens sa tunay na dahilan ng kanilang biglaang breakup.
May mga nang-ookray kay Bea at meron din namang naninisi kay Dom pero nitong nagdaang araw nga ay ipinagtanggol ng dating aktor ang kanyang fiancée.
Baka Bet Mo: Bea hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Dominic sa matandang babaeng nakasabay nila sa tren sa Europe
Sa kanyang Facebook page, nag-repost si Dom ng isang throwback video clip na kuha sa iba’t ibang lugar na pinuntahan nila ni Bea na magkasama nitong nagdaang taon.
Sa inilagay niyang caption, tinawag niya si Bea na “beautiful person inside and out” kasabay ng pakiusap na tigilan na sana ng mga tao ang pamba-bash sa aktres.
“Bea’s a beautiful person inside n out…(white heart emoji). No hate/bashing/negative things please…(prayinghandsemoji),” ang pahayag ni Dominic.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo may sweet birthday message kay Dominic Roque: I can’t wait to spend the rest of my life with you…
Sandamakmak na comments naman ang nabasa namin mula sa mga FB followers ni Dom. Narito ang ilan.
“Awww, nkkainlove k nman papa Dom, despite trials and struggles, u continue to love. Keeping our fingers crossed for your togetherness. Best of luck, hearts’ healing , forgiveness and God bless to you both.”
“Highest respect to you both.I hope you two will work things out,you both deserved to be happy!xoxo.”
“Teary eyed while watching this video……keep on praying to both of you Dominic Roque and Bea Alonzo true love exist.”
“Hoping everything’s will be okay. Dominic Roque win her back! Pag hindi dito ka nalang sa akin. charoooot single here, 33 libra babies. Your a good man Dom. lab yooo.”
“Social media lang talaga nagpalala ng sitwasyon,sana po maging ok ang lahat at mabalik sa dati,praying for both of you hoping to see you both walking the aisle, GODBLES MGA IDOL.”
“Dominic Roque just wait for her until she’s ready..True Love waits and endures the test of time. Grow in love together or apart from each other..Sana kayong dalawa padin Bea Alonzo. Forget the world around the two of you..always remember the world you have inside the both of you.”
“Masakit para samin na nagmamahal sainyong dalawa pero irerespeto namin ang desisyon nyo we love you bea and dom.”
“I hope you and Bea find your way back to love. True love is when you have millions of reasons to leave, but you would still look for one reason to stay. Prayers can move mountains. Goodluck to both of you.”
Unang ibinalita ni Ogie Diaz ang paghihiwalay nina Dominic at Bea sa kanyang vlog last week at sumunod nga rito ang pagkumpirma ni Tito Boy Abunda sa naturang breakup.
“Tama si Ogie Diaz, si kaibigang Ogie nung kanyang binalita. As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at saka si Bea,” ani Tito Boy sa “Fast Talk.”
“Sinusuyo ba si Bea? Are they still trying to talk? Siguro, maaari, dahil sino ba naman ang ayaw maayos ang ganitong klase ng problema.
“As a matter of fact, from good sources ay kagabi or nu’ng isa gabi lamang nag-usap uli si Bea at si Dominic, they’re trying to understand each other but they’re going through a rough patch.
“I am confirming na hiwalay sila ngayon. Last night or two nights nga, nag-usap ang dalawa. Ano ang status? Wala. I think kung tama ang aking source, si Bea, isinauli na ang kanyang engagement ring,” sabi pa niya.
Ibinandera ni Bea noong July, 2023 na engaged na sila ni Dom.