GOOD news para sa lahat ng mga loy fans at social media followers na nag-aalala sa health condition ni Megastar Sharon Cuneta!
Maganda raw ang lumabas na resulta ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) ni Sharon kaya naman medyo nabunutan ng ngayon ng tinik ang movie at TV icon.
Iyan ang kinumpirma ng veteran showbiz columnist at TV-radio host na si Nanay Cristy Fermin sa programa niyang “Cristy Ferminute” kahapon, February 7.
Masayang ibinalita ni Nanay Cristy na wala raw problema sa buto ang wifey ni Kiko Pangilinan kaya huwag na raw masyadong matakot at mag-alala ang mga Sharonians.
Baka. Bet Mo: Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics
“Nakakatuwa naman ‘yong resulta ng MRI ni Sharon. Wala siyang problema sa buto na iniintindi niya. Ang tanging problema na niya ‘yong pinch nerve talaga,” pagbabahagi ni award-winning TV at radio host.
Pagpapatuloy pa niya, “Pero maganda na wala siyang scoliosis. ‘Yung buto niya intact, maayos.
“Iiika-ika pa rin siya. Kasi mula bewang pababa ‘yong sakit. Kaya umiika-ika siya. At hindi naman ganoon kadaling gumaling kasi ‘yon, ‘di ba?” sey pa ni Nanay Cristy.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics
Sana raw ay tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kundisyon ni Sharon, “Wala pong problema sa buto. Maayos. Sa nerves lamang po. At kayang-kaya po ng therapy.”
Nauna rito, ibinahagi nga ni Shawie sa kanyang Instagram account ang pinagdaraanang pagsubok sa kanyang kalusugan.
Hirap na hirap daw siyang maglakad ngayon dahil sa iniindang sakit sa kanyang legs kaya nagdesisyon na siyang sumailalim sa physical therapy.
“It has nothing to do with bone or muscle. It’s nerve. So I need to do physical therapy. I’m still limping. My meds have been up. But thank God it’s nothing worst than that,” sey pa ng aktres.
“It’s very painful, so when I walk, napipilitan akong mag-limp because all over the leg. But in time, I’ll be fine. It depends on the therapy,” sey ng nag-iisang Megastar.
Ito naman ang mensahe niya sa lahat ng mga Sharonians, “Please don’t worry. Wag kayong mag-alala. Okay naman, nothing serious.”