Netizens inintriga ang bagong profile pictures ni Sarah G, buntis na?

Netizens inintriga ang bagong profile pictures ni Sarah G, buntis na?

PHOTO: Facebook/Sarah Geronimo

ANO kaya ang aabangang pasabog sa Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo?

‘Yan ang naging katanungan ng maraming fans at netizens matapos palitan ni Sarah ang lahat ng kanyang profile pictures sa kanyang social media accounts, kabilang na riyan ang Facebook, Instagram, X, at YouTube.

Ang nilagay ng singer na litrato ay walang mukha, kundi puro kulay orange lamang at wala rin itong caption.

Baka Bet Mo: Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban

Inusisa namin ang comment section ng kanyang profile pictures at ang nakita namin ay puro “congratulatory” messages ang nakalagay.

Ang hula pa ng marami, buntis na ang Asia’s Popstar Royalty.

“Positive [happy face with hearts emojis] congratulations!”

“it’s positive [happy face with heart eyes emojis] mommy kana po Ms. Sarah Geronimo [happy face with heart eyes emojis] congrats!!!!”

“Wow sana nga may baby na, congratulations idol Mateo and Sarah G [red heart emoji]”

“Hoping for a new family addition. Never naman nagpalit ng DP at cover photo para sa endorsement si Marekoy [emoji] but whatever it is. We love Sars! [orange heart emoji]”

Bukod sa mga hulang magkaka-baby na si Sarah at ang mister niyang si Matteo Guidicelli ay may mga nagsasabi na baka may bagong endorsement o ilalabas na bagong album ang batikang singer.

Heto ang mga naging komento ng iba:

“Baby? New endorsement?? Whatever it is… Congrats you deserved much and more blessings..”

“It’s screaming NEW ALBUM!!!”

“New album congrats.”

Kayo mga ka-Bandera, ano kaya ang ibig sabihin ng misteryosong kulay na ibinandera ni Sarah?

Read more...