MARAMI pa rin ang hindi makapaniwala na tuluyan nang nagsara ang TV network na CNN Philippines makalipas ang halos siyam na taong pagseserbisyo sa publiko.
Kung maraming netizens ang nalungkot sa nangyari, lalo namang masakit ito para sa mga empleyado ng broadcasting station.
Tiningnan ng BANDERA ang ilang social media posts ng mga naging bahagi ng nasabing kumpanya at ramdam na ramdam ang kanilang tila pagluluksa.
Kabilang na riyan ang news anchor na si Rico Hizon ng award-winning newscasts na “The Final Word” at “The Exchange.”
Sa Instagram, ibinandera niya ang ilang pictures kasama ang kanyang production team at kapwa-news anchors.
Baka Bet Mo: Website, socmed accounts ng CNN PH hindi na mahagilap, burado na
Tuluyan na siyang namaalam sa kumpanya at lubos na pinasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa kanilang shows.
“Working with you has been a privilege, and I am truly grateful for the support, camaraderie, and countless memories we’ve created on these programs,” caption niya.
Dagdag pa niya, “The collaborative spirit has been a driving force in making every show of the award-winning The Final Word and The Exchange a fulfilling experience and I carry with me the invaluable lessons and friendships that we have forged through the years.”
May nakakaantig na video naman ang ipinost ng senior anchor na si Pinky Webb na makikita ang ilang throwback pictures at tila mga kaganapan ng naging last day ng CNN Philippines.
Ayon sa kanya, eight years siyang nanatili sa kumpanya at siya raw ay “eternally grateful.”
.“A dedicated and hardworking team. We will always be family,” saad pa niya sa IG post.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang chief correspondent and news anchor na si PIa Hontiveros.
Wika niya sa IG, “Maraming salamat sa panonood. Karangalan po namin ang maglingkod sa inyo [emojis].”
Baka Bet Mo: Andrei Felix nagpaalam na sa CNN PH: ‘Pasensiya na sa lahat ng kinulit ko’
Proud na proud ding naging parte ng nabanggit na TV network si Paolo Abrera, ang isa sa mga anchor ng morning show na “New Day.”
Ibinahagi niya sa social media ang video clip ng last episode ng kanyang show.
“We had the honor of being the last live broadcast and last touch of CNN Philippines to our audience right before it was made official,” kwento niya.
Ani pa niya, “What a privilege to have been part of this brand. This organization. This family. We are CNN Philippines [emoji].”
Ang senior social media producer na si Christian Marquez, inihayag ang kanyang nararamdaman matapos mawala sa isang iglap ang website at social media accounts ng CNN Philippines.
“Worked for CNN Philippines for over a decade. We tried our best to deliver news that’s fair, accurate, and balanced,” lahad niya.
Aniya, “I handled most of our social media accounts. And just like that, it’s all gone. We fought the good fight. I’m proud of what we accomplished.”
Worked for CNN Philippines for over a decade. We tried our best to deliver news that’s fair, accurate, and balanced.
I handled most of our social media accounts.
And just like that, it’s all gone.
We fought the good fight.
I’m proud of what we accomplished. pic.twitter.com/Onry3UhHPd— Christian Marquez (@cjmarquez_) January 31, 2024
Shinare naman ng reporter na si Xianne Arcangel ang isang video na inalis na ang mga upuan, lamesa at computer ng kanilang war room.
Lahad niya sa kanyang X account, “Saying goodbye to this place one last time. Things going gone in a snap. #CNNPhilippines website and social media channels are no longer available.”
“All of these heartache and the week isn’t over yet,” lahad niya.
Saying goodbye to this place one last time. Things going gone in a snap. #CNNPhilippines website and social media channels are no longer available. All of these heartache and the week isn’t over yet. pic.twitter.com/3maPx24R4R
— Xianne Arcangel (@xianneangel) February 1, 2024
Noong January 29 nang opisyal nang inanunsyo ng nasabing free-to-air television network ang tigil-operasyon.
Ang dahilan ng shutdown, nagkaroon ng financial struggles kung saan nalugi ito ng mahigit P5 billion.
Halos 300 na mga empleyado ang nawalan ng trabaho.