SB19 Pablo may hugot song tungkol sa ‘alak’, ka-collab ulit ang kapatid

SB19 Pablo may hugot song tungkol sa ‘alak’, ka-collab ulit ang kapatid

PHOTO: Courtesy Sony Music

ISA nanamang solo banger ang inilabas ni Pablo ng Pinoy pop sensation na SB19!

Yes, yes, yes, mga ka-Bandera, may bagong release ulit si Pablo makalipas ang ilang linggo mula nang magkaroon siya ng bagong single na “Determinado.”

At katulad last time, collaboration ulit ito kasama ang kanyang kapatid na si Josue of Radkidz na siya ring co-producer ng viral hit na “Gento.”

Ang pamagat ng bagong single ay “AKALA” na tungkol sa pag-inom ng alak at kung ano ang naidudulot nito sa isang tao.

Sa pahayag na inilabas ng Sony Music, ikinuwento ni Pablo kung paano nila nabuo ang kanta.

“I added some singing parts and a hook and gave the song a resolution in terms of musical arrangement. We wanted it to be a song that’s easy to listen to and sing along to, just like how it is when friends gather and sing together,” chika ng SB19 member.

Baka Bet Mo: Mensahe ni Denise Julia sa bagong R&B banger na ‘B.A.D.’: ‘I want people to feel beautiful, confident, empowered!’

Ayon kay Pablo, iba-iba ang pananaw ng tao pagdating sa pag-inom ng alak at kung ano ang naidudulot nito.

Pero nagkasundo sila ng kanyang kapatid na ang alak ay hindi sagot sa lahat ng problema at ito ang naging batayan nila upang mabuo ang nais nilang maging mensahe ng “Akala.”

Paliwanag niya, “Even though we have different practices in terms of drinking, we agree on the idea that alcohol is not the answer to problems.”

“I asked him if I could also write my verse in the song and tweak some parts, and he agreed. I didn’t want the song to just be about getting wasted, so I thought of a way to introduce my perspective through rearranging the letters of ‘alak’ and that’s how ‘Akala’ materialized,” lahad pa niya.

Nabanggit pa nga ni Pablo na nag-contribute din sa paggawa ng kanta ang kanilang ina.

“My mother also pitched in a line in the song and it made more sense,” saad ng P-Pop star.

Aniya pa, “Everything that I have released so far features intense and heavy instrumentation, but ‘Akala’ follows a completely different direction this time around. It has a more laid-back, dreamy vibe to it.”

Read more...