Dito tayo sa sigurado: Kalidad at kilalang produkto, mas pinababa ang presyo sa Puregold

MANILA, Philippines – Labis na ikinatuwa ng mga netizens ang anunsyo ng Puregold nang mas pinababang presyo ng mga bilihin sa kanilang Facebook page. Marami ang nagsabi na malaking tulong ang diskuwento sa pagba-budget ng gastusin at pangdagdag kita sa paninda. Ipinahayag din ng mga netizen na hindi na nila kailangan magtiis sa mga brands na hindi kilala dahil quality pa rin ang hinahangad nila.

“Sa totoo lang, mahirap mag-try ng iba lalo na ‘pag ‘di kilala o ‘di alam kung saang galing,” sabi ng isang netizen.

“Iba rin kasi talaga ‘pag trusted at kilalang brand. Tiwala ka sa quality, eh,” pagsang-ayon ng isa.

Madami ring mga Ka-Asenso ang natuwa sa posibleng dagdag sa kanilang kita.

 

“Kahit papaano, yung madi-discount ko, ito na rin ang ipapatong ko sa paninda,” at “Malaking tulong iyan sa puhunan para sa katulad kong tindera.”

Kabilang sa mga premyadong produkto na mas pinababa ang presyo sa Puregold ay ang paboritong grocery staples katulad ng cheese, chocolate drink, condensed milk, dishwashing liquid, at baby diapers.

Sa dami ng Puregold branches sa Kamaynilaan at mga lalawigan sa buong bansa, hinihikayat rin nila ang kanilang mga Aling Puring members at mga sari-sari store owners na mamili upang makasigurong dekalidad na produkto ang paninda at magkaroon ng mas malaking tutubuing puhunan.

Ano ba ang pipiliin mo? Yung produktong hindi mo alam kung saan nanggaling o yung kilala at subok na pero abot-kaya naman. Hindi na kailangan pang isakripisyo ang kalusugan, kalidad at kaligtasan sa pagpili ng mga kailangang produkto sa hangaring makatipid dahil limitado ang budget. Sa Puregold, mas pinababang presyo ang mga kalidad na produkto.

 

ADVT

Read more...