Guess, guess who!?
NAG-COUNTER offer pala ang network sa isang aktres na nakatakdang lumipat sa kabilang network at mas hinigitan pa kaya hindi na siya aalis.
Isa ang aktres sa gold mine ng network kaya pinigilan siyang umalis, na sa kabilang banda pakiramdam naman nito ay hindi siya nabibigyan ng sapat na projects.
Unlike nga sa lilipatan sanang network na maraming offers sa kanya at makakatambal pa ang mga pangarap nitong aktor.
Pero dahil hinabol siya ng network at may sinabing malaking project siyang gagawin kasama ang iba pang malalaking artista kaya napapayag na ang aktres.
Baka Bet Mo: Michael V ibinuking na naipatawag na rin ng MTRCB: ‘Meron na kaming lawyer ngayon kapag nagte-taping’
Bukod pa sa lumaki ang talent fee niya at puwede pa siyang mamili kung sino ang gustong makasama hindi katulad dati na hindi siya puwedeng tumanggi.
Hmmmm, hindi kaya may plano ang network na pagsamahin ang aktres at aktor na matagal nang hinihiling ng fans kaya pagbibigyan na ang mga ito?
Bagay na bagay kasi ang dalawa at tiyak na mataas ang ratings kapag natuloy ang proyekto nila.
* * *
Ang kilalang sexologist/sex researcher na si Doc Rica Cruz ay nabembang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil ang programa niyang Private Convos with Doc Rica ay pinahinto ng umere nitong Martes, Enero 30 sa One News Cable Channel.
Labag daw ito sa mga alituntunin ng MTRCB Rating, sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nito; “Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na ‘Private Convos with Doc Rica’ ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim ng hurisdiksyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon.”
Sa Incident Report na isinabmit ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong 24 Agosto 2023, ng “PRIVATE CONVOS WITH DOC RICA,” na inere sa One News Cable TV ng CIGNAL TV, idiniin na ang episode ay naglalaman ng mga usapin ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.
Baka Bet Mo: Si Lovi nga ba ang tinutukoy sa teaser ng Dreamscape na lilipat sa ABS-CBN?
Nakatanggap din ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa mga magulang. Isang Notice to Appear ang inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2023, na nag-uutos sa mga Respondent na magtestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.
Nagpadala ang mga Respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsabmit ng kanilang position papers. Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers, napatunayang nilabag ng programa ang probisyon ng batas, partikular sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng Implementing Rules and Regulations ng PD.
Mariing niresolba ng MTRCB na ang format ng programa ay naglalaman ng detalyadong tema sa sexual awakening ng mga bisita nito, na humantong sa tahasang pagkukuwento ng maselang karanasan, at gumamit pa ng mga wika na hindi angkop sa telebisyon. Sinabi ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer, Lala Sotto.
“Mariin nating kinokondena ang anumang malinaw na paglabag sa batas. Kaakibat ng malayang pag brodkast ang responsibilidad. Hinihiling namin sa mga brodkaster at content creators na maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paglikha, na kumikilala sa impluwensya ng on-screen content.
“Ipinasya ng MTRCB na ang nilalaman ng episode na may mga tahasang termino, kasama ang magaspang na aksyon at mga ekspresyon ng host at ng mga bisita niya, sa konteksto ng programa, “ay nabibilang sa mga materyales na nakakatukso sa malaswang pananaw ng karaniwang tao.”
Bukod dito, hindi sang-ayon ang Board sa pahayag ng mga respondent na ang programa, sa kabuuan, ay may “edukasyonal at social value.”
Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika. Iginiit din ng Board ang hindi pagsunod ng mga Respondent sa MTRCB Rating na labag sa Seksyon 2, Kabanata IV kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng PD 1986.
“Ang mga Respondent ay nagkulang sa kanilang obligasyon sa pag-ere ng nabanggit na Television program sa loob ng Child-Viewing Hours, kahit na idinidiin nila na ang Subject Episodes ay ginamit lamang bilang fillers sa hapon,” pahayag ng MTRCB.
“Hindi tumalima ang mga Respondent sa mga gabay ng MTRCB Rating ng TV program kahit na alam nito na hindi ito angkop para sa kabataang manonood,” sabi pa.