Vice Ganda ‘napikon’ sa mangungutang na ex: Nasundo ‘yung pika ko

 

HINDI napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mapikon sa ex-boyfriend ng searchee sa segment nilang “Expecially For You”.

Hindi kasi nagustuhan ng “It’s Showtime” host ang naging pananalita nito habang inuusisa nila ang istorya ng dalawa noong mga panahong mag-dyowa pa sila.

Nakita kasi ni Vice ang pagpatak ng luha ng searchee na si Gleanne nang sabihin ng ex nitong si Darl na umabot sa puntong “ginagamit” na lang niya ang dalaga para sa pansariling interes.

“Mahal ko naman po siya pero aminado naman po ako na dumating sa point na ginagamit ko na lang po siya,” sey ni Darl.

Makikitang niyakap ni Vice ang naluhang si Gleanne.

“Haaaay. Ayan naiyak tuloy. Kasi naman ‘yung pagkakasabi mo parang walng remorse.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ‘di nagustuhan ang pagli-lip reading ng kanyang videos

“Masakit ‘yun a! Masakit ‘yun, Darl!” saad ni Vice.

Aniya, masakit raw para sa isang tao na marinig na ginagamit lang siya ng sariling partner.

“Ang lala ng luha, day! Mas mataba pa sa luha ni Judy Ann ang lumabas. Parananoon lang kabilis lumabas sa bunganga mo na ‘ginagamit ko lang siya’. Ang kapal mo!” sey ni Vice.

Bukod pa rito ay napag-alaman nilang may utang pa pala si Darl kay Gleanne na mas nakadagdag pa sa inis ng mga “It’s Showtime” hosts.

Kitang-kita ang pagiging protective nina Vice at Tiyang Amy sa lalaki.

Inamin kasi ni Darl na mayroon pa siyang P14k na pagkakautang kay Gleanne na ilang taon nang hindi nababayaran.

Lahad ni Vice, “‘Yung TF dito ‘day ako na ang kukuha. Hindi ko ibibigay talaga sa ‘yo [Darl]. Ididiretso ko sa kanya [Gleanne]. Ang kapal ng fes mo. Gigil ako sa ‘yo. Sinundo niya ‘yung pika ko.

“Kasi nung una naka-smile si Gleanne pero ‘yung tulo talaga ng luha, nasaktan si girl… Ako nga nasaktan for her, ano pa kaya siya?”

Nang tanungin pa nga nila kung kailan nito balak magbayad ay sinabi ni Darl na “kapag nakaluwag-luwag” na mas pinag-init ng ulo ng mga hosts.

Read more...