Antonette Gail umalma sa fake account na gumagamit sa kanya

Antonette Gail umalma sa fake account na gumagamit sa kanya

PINALAGAN ng social media personality na si Antonette Gail ang isang Facebook page na gumagamit ng kanyang pangalan.

Isang screenshot ang ibinahagi niya sa kanyang official Facebook account kung saan makikita ang photocard ng diumanomy statement niya ukol sa isyu ng nagdaang birthday party ng anak nila ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.

“E anu naman kung ganun ang sinayaw ko sa birthday ng anak ko, pakialam nyo ba! mga hampas Lupa kayo ingit lang kayo sakin kasi ako maganda sexy perfect at magaling pa sumayaw insecure lang kayo sakin, well di ko kayo massisi ang ganda ko kasi,” saad sa naturang photocard na may larawan at pangalan ni Antonette.

Ngunit paglilinaw ng social media personality, hindi nagmula sa kanya ang naturang post.

“HINDI PO AKO ITO! STOP SPREADING FAKE ACCOUNTS!” pagbibigay linaw ni Antonette.

Giit pa niya, “WALA PO AKONG TWITTER!!”

Baka Bet Mo: Antonette Gail nag-sexy dance sa birthday ng anak, binatikos ng netizens

Nilinaw rin niya na puro Facebook lang ang mayroon sila at ito ay Antonette Gail, Whamonette, Whamoscruz at Baby Meteor.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang paglilinaw ng social media personality.

“Hayaan mo poh cla idol Antonette,,basta kayo mabait xa kapwa nyo,,babalik xa kanila ang ginagawa nla,,God Bless poh idol xa inyo family,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Cinisiraan kapo ng bongga cguro inggit na inggit sau yan, manatili lng po kayong mabait at mapagkumbaba!!”

“Wag na po kayo manira sa kapwa nyo hinde naman yan magawa ni Antonette Gail,” sey naman ng isa.

Matatandaang marami ang nagbigay komento sa 1st birthday party ng kanilang anak dahil may mga netizens na hindi nagustuhan ang pagiging masyadong magarbo nito at ang mga ginawa nilang performance na hindi umano bagay sa children’s party.

Read more...