CNN Philippines tuluyan nang nag-‘shutdown’, nalugi ng mahigit P5-B

CNN Philippines tuluyan nang nag-'shutdown', nalugi ng mahigit P5-B

CNN Philippines’ headquarters in Mandaluyong City

MAGSASARA na ang CNN Philippines.

Ang malungkot na balita ay opisyal nang inanunsyo ng nasabing free-to-air television network ngayong araw, January 29, sa social media.

“CNN Philippines will discontinue operations on all media platforms effective Wednesday, Jan. 31,” sey sa Facebook post.

Kasabay niyan ay lubos nilang pinasalamatan ang lahat ng staff, partners, at viewers na tumangkilik at sumuporta sa broadcast company sa loob ng siyam na taon.

“To our staff, we thank you for your commitment and dedication,” saad ng CNN Philippines.

Mensahe pa, “To our partners, including CNN Worldwide/Turner Broadcasting Corp., we are grateful for your support.”

Baka Bet Mo: 5 eksenang nagpaiyak sa madlang pipol sa pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Magugunita pa na last week kumalat ang mga balita na magsasara na ang local unit ng CNN.

Ang dahilan, nagkaroon ng financial struggles kung saan nalugi ito ng mahigit P5 billion.

Halos 300 na mga empleyado ang nawalan ng trabaho.

Ayon sa naging interview ng INQUIRER.net sa isang opisyal ng nasabing TV network, December last year pa nang napagdesisyunan na hindi na itutuloy ang operasyon nito.

Pero, aniya, pinasapit na muna nila ang Kapaskuhan bago sila mag-anunsyo.

“We didn’t want to ruin our employees’ Christmas,” sey ng source.

Taong 2015 nang unang umere ang CNN Philippines matapos maka-secure ang Nine Media Corp. ng licensing deal.

Ang Nine Media ay kabilang sa mga kumpanya sa ilalim ng ALC Group of Companies na kinabibilangan ng iba pang media entity tulad ng Business Mirror, Philippine Graphic, Pilipino Mirror, Aliw Channel at Cook Magazine.

Read more...