Gigi Hadid, Bradley Cooper ‘currently dating’, spotted na magka-holding hands

Gigi Hadid, Bradley Cooper ‘currently dating’, spotted na magka-holding hands

Gigi Hadid, Bradley Cooper

HULING-HULI sa akto ang pagiging sweet sa isa’t-isa ng sikat na supermodel na si Gigi Hadid at Hollywood actor na si Bradley Cooper.

Matapos kasi ang “dating rumors” last year, ibinandera ng dalawa ang kanilang public display of affection o PDA sa publiko.

Ibig sabihin, confirmed na “currently dating” ngayon sina Gigi at Bradley.

Sa news article ng American entertainment outlet na Page Six, makikita ang ilang paparazzi pictures ng couple na spotted na magka-holding hands habang namamasyal sa London.

Ayon sa report, ang dalawa ay isa sa mga “newest” at “unexpected” Hollywood pairs.

Baka Bet Mo: Regine nahuli sa ‘akto’ si Ogie: Lumalandi ka na naman?!

October last year nang unang sumiklab ang mga chismis na may namamagitan kina Gigi at Bradley nang mahuling nagde-date sa New York.

Ayon sa source ng People magazine noong nakaraang taon, matagal nang nagliligawan ang dalawa.

“They were quietly dating for much longer before it went public and were very hush-hush, trying to see if things would work between them,” saad sa article ng nasabing magazine.

Aniya pa, “They spent several months together privately, and things have been going really well.”

Ang Hollywood actor ay ikinasal sa American actress na si Jennifer Esposito noong 2006 at makalipas ang isang taon ay naghiwalay sila.

Naging girlfriend niya ang model na si Irina Shayk noong 2015 at nagkaroon ng isang anak, pero taong 2019 ay nagkahiwalay din ang mag-dyowa.

Samantala, unang naging boyfriend ni Gigi ang singer na si Cody Simpson.

Dalawang taon ang itinagal ng kanilang relasyon, pero sila’y nag-break noong May 2015.

Kasunod niyan ay nakipag-date siya sa singer na si Joe Jonas, pero hindi ito nagtagal.

Ang huli niyang partner ay ang dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik kung saan ay nagkaroon sila ng anak bago pa magkahiwalay noong 2021.

Read more...