Aga Muhlach, pamilya nakipagsanib-pwersa na sa TV5 at Viva Artists Agency

Aga Muhlach, pamilya nakipagsanib-pwersa na sa TV5 at Viva Artists Agency

PHOTO: Instagram/@itsmecharleneg

OPISYAL nang naging “Kapatid” ang batikang aktor na si Aga Muhlach, pati na rin ang kanyang misis na si Charlene Gonzalez at kambal nilang anak na sina Atasha at Andres.

Pumirma na kasi sila ng kontrata under TV5 network at Viva Artists Agency noong January 26.

Sa Instagram post ng Viva, makikita ang ilang pictures sa naganap na contract-signing event.

Kumpleto ang pamilya at nakasama nila ang big bosses ng entertainment company at Kapatid network.

Kabilang na riyan ang Viva Communications Chairman and CEO na si Vic del Rosario, at MVP Group of Companies Chairman and CEO na si Manny V. Pangilinan.

Baka Bet Mo:Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

Ayon pa sa Viva, may kaabang-abang na bonggang proyekto ang pamilya ni Aga.

“Viva Films, Studio Viva, VAA, TV5, Cignal TV, and MQuest Ventures come together for the biggest project coming to Pinoy TV. Watch out for this exciting project,” it said.

Sa IG post naman ng batikang aktor, ibinandera niya ang isang video kung saan pinakita niya ang ilang mga kaganapan sa nasabing event.

Ayon kay Aga, perfect timing at very special para sa kanya ang nangyari.

“All in God’s perfect time [emojis]. An event that’s very special and meaningful to me as a husband, father and an actor. A lot of you I want to thank for making this happen!” caption niya sa post.

Sa naging interview with “Frontline Tonight,” inihayag ng mag-asawa at mga anak ang kanilang excitement sa pagsasamahang sitcom.

“Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Nakakapanibago kasi magkakasama kami in front of the camera,” sambit ni Aga.

Ayon naman kay Charlene, “This is the first time na magkasama kaming buo [in a project]. So, it was a project I think all of us were looking forward to. Something that is a once in a lifetime opportunity.”

Read more...