Andrea del Rosario nawindang nang sumailalim sa major surgery ang anak

Andrea del Rosario nawindang nang sumailalim sa major surgery ang anak

Andrea del Rosario at Beatrice Anne

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng aktres na si Andrea del Rosario dahil unti-unti nang bumubuti ang health condition ng kanyang anak.

Aminado ang “Makiling” star na talagang napraning siya nang sumailalim sa major surgery ang anak na si Beatrice Anne.

Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Miyerkules, napag-usapan ang tungkol sa kundisyon ng anak at kung kumusta na siya bilang nanay.

“Medyo spaced out because I just brought my daughter out from the hospital yesterday.

Baka Bet Mo: May selosan at inggitan ba sa sandamakmak na talent ng Viva Entertainment?

“So medyo windang pa. But she’s doing okay, she had a major surgery, but she’s recovering at home now,” ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang 14-year-old daughter.

Masayang ibinalita ni Andrea na naging successful ang operasyon ng kanyang anak kaya sobrang nagpapasalamat siya sa Panginoong Diyos at sa lahat ng nagdasal para sa pinakamamahal na anak.


“Worrywart” na nanay kung ilalarawan ni Andrea ang kanyang sarili na kinumpirma rin ng kanyang boyfriend na si Anthony Garcia, dahil nga sa matinding pag-aalala niya nang magkasakit ang anak.

“Unfortunately I’m a worrywart daw sabi ni Anthony because of her history. She has been fighting to be alive ever since she was born.

Baka Bet Mo: Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

“So siyempre, I can’t help but worry. I think I’m a fun and chill mom,” chika pa ng miyembro ng dating all-female group na Viva Hotbabes.

Sa isang bahagi ng panayam, natanong ni Tito Boy si Andrea kung napag-uusapan na ba nila ni Anthony ang magpakasal pero hindi niya ito diretsahang sinagot.

“We’re fine. I considered him as my best friend, we do a lot of thing together,” tugon ni Andrea. Isa sa mga favorite hobbies nila ng kanyang partner ay ang paglalaro ng polo sports.

Ibinandera pa ng aktres na highest rated polo player sa Southeast Asia ang kanyang boyfriend.

Nai-share rin niya na magkakaroon sila ng, “nice, small get together in Argentina with a few friends and hopefully will have one here in the Philippines.”

Read more...