Bianca walang tigil sa pag-iyak dahil sa ibinigay ng anak

Bianca walang tigil sa pag-iyak dahil sa anak: This one hit differently…

Pauline del Rosario |January 27,2024
facebook
share this

Bianca walang tigil sa pag-iyak dahil sa anak: This one hit differently…

Pauline del Rosario - January 27, 2024 - 11:56 AM

Bianca walang tigil sa pag-iyak dahil sa anak: This one hit differently…

PHOTO: Instagram/@iamsuperbianca

IBINUNYAG ng TV host na si Bianca Gonzalez na napaiyak siya nang sobra ng panganay niyang anak na si Lucia.

Hindi dahil sa may mali itong nagawa, kundi dahil sa simpleng regalo na ibinigay ng anak.

Sa Instagram, ibinandera ni Bianca ang isang video na tampok ang simpleng art craft na ginawa ni Lucia para sa kanya.

Makikita ang isang heart-shaped na hugis ng papel na nagiging dalawang puso kapag ito ay hinila.

Mapapanood na simple ang naging regalo ni Lucia sa TV host, pero ayon sa kanya ay may malalim itong pinanghuhugutan at kahulugan.

Kaya naman, aminado ang celebrity mom na talagang humagulgol siya nang nakita ito at hindi na tumigil sa kakaiyak.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez, Robi Domingo sa ginibang PBB house: ‘You’ll always be our home…’

“My firstborn Lucia randomly came up to me with one of her many arts and crafts ideas, but this one hit differently,” sey ni Bianca.

Ibinahagi ni Bianca na naikuwento niya sa anak ang kanyang pagkabahala noong magkakaroon ito ng kapatid.

Nag-aalala, aniya, siya sa kung paano niya babalansehin ang pagmamahal na kanyang ibibigay sa dalawa.

Dito niya raw nalaman na hindi naman pala nahahati ang puso, bagkus ito ay nagmu-multiply o dumadami.

“I told her about the time I was pregnant with Carmen, and I was so, so worried about how I could love another little human being as much as I loved her? And I loved her with ALL my heart so how can there be space for one more? Would I have to split the love between them, would I have less for her when there is a new baby, how?!” kwento niya.

Patuloy niya, “But when her little sister came, and as I’ve been told by other moms, you don’t split the love in your heart.”

Sabi ni Bianca, ang ibinigay sa kanya ni Lucia ay talaga namang nakuha ang pinaka “thought” na gusto niyang iparating sa anak kaya naman talagang naantig siya sa ibinigay sa kanya.

“It is true that your heart multiples and you are in sheer awe knowing you suddenly have so much more love to give,” sey ng TV host.

Chika pa niya, “When Lucia gave me this, it so perfectly yet simply captured what *that* looks like [sparkles, white heart emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)

Matatandaang ikinasal si Bianca sa mister na dating basketball player na si JC Intal noong 2014.

Taong 2015 nang isinilang ang panganay nila na si Lucia Martine at noong 2018 naman si Carmen Eliana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending