NALOKA ang mga netizens nang bumulaga sa kanila ang mga litrato na kuha sa isang kasalan na ginanap sa sementeryo.
Viral ngayon ang wedding ng mag-asawang Engineer Ronald Versosa at Marelinda Caranay kung saan sa halip na white ang motif ay mas pinili nila ang magsuot ng black.
Hindi lang ang bride at groom ang nakaitim sa kanilang wedding kundi pati na rin ang entourage at lahat ng dumalo sa kasalan na ginanap nga sa isang sementeryo.
Mukhang hindi naniniwala ang bagong kasal sa kasabihan o pamahiin na may kakambal na kamalasan ang pagsusuot ng black sa kasal at birthday at karaniwan ding inuugnay sa patay.
Baka Bet Mo: Rey Valera sa sementeryo naisulat ang 2 hit song; ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ maraming winasak na relasyon
Nagpakasal sina Ronald at Marelinda noong December 28, 2023 na sa Garden of Remembrance Memorial Park sa Alaminos City, Pangasinan.
Makikita sa venue ang koronang bulaklak at mga kandila na ginagamit sa lamay o burol. Agaw-eksena rin ang custom-designed na kabaong na may life-size image ng bride at groom.
Ang bridal car naman ng bride ay isang karwahe na may kabaong. Sa sementeryo rin ginanap ang wedding reception.
Sa Facebook page ng Pangasinan News Daily, nabanggit na matagal na raw plano ng groom ang ganu’ng tema ng kasal dahil aniya, “Yun po ang pagkatao ko, banda! Itim! Death!”
Tanggap naman daw ng kanyang asawa ang kanyang pagkatao na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang pangarap sa buhay.
Nag-perform din sa nasabing black wedding ang mga kabanda ni Ronald.
Sabi naman ni Engr. Arnold Versosa, kapatid ng groom, suportado nila ang trip ni Ronald kahit pa negative ang tingin ng kanilang mga kamag-anak ang black wedding.
“Whatever my brother wants, we support him, What we think right now is the symbol of love, what is the symbol of love?
“Did anybody realize why my brother chose this kind of wedding? This black wedding?
“Because until the end their love will never die. That is what is in my mind when I received the invitation,” ang paliwanag ng kapatid ng groom.