OPEN na open pa rin ang puso ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu para sa bagong pag-ibig after ng breakup nila ni Xian Lim.
Yan ang siniguro ng dalaga makalipas ang mahigit isang buwan mula nang aminin niya sa publiko na naghiwalay na sila ng dati niyang boyfriend.
Hindi naman daw siya na-trauma sa pakikipagrelasyon pero kung siya ang tatanungin, ayaw na muna niyang pumasok sa panibagong relasyon sa ngayon.
Mas gusto muna raw niyang ituon ang kanyang atensiyon at panahon sa pagtatrabaho lalo pa’t sunud-sunod ang projects niya ngayon sa ABS-CBN. So, feeling niya hindi rin niya mabibigyan ng time sakaling mag-boyfriend siya uli.
Baka Bet Mo: Kim hirap na hirap gumanap ng may kabit: ‘Kalaban ko ‘yung sarili kong dignidad sa ipinaglalaban ng karakter ko’
“Hinahanap ko si The One. Charot! Hinahanap ko siya pero ‘wag muna ngayon kasi busy ako. Soon.
“Siguro mag-merienda muna siya! Hindi naman! Let’s take it day by day and enjoy. Live for the moment and just chill and have fun,” ang chika ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.
Nagkuwento rin siya tungkol sa pagbabakasyon niya sa Amerika kasama ang kaibigang si Bela Padilla at ang pag-attend nila sa kasal ng BFF nilang si Angelica Panganiban.
“Sobrang maga mata namin ni Bela. Iyak talaga kami. Super deserve kasi niya (Angelica) talaga makahanap ng forever at that is Gregg (Homan).
“Yung wedding nga nila sa US, intimate lang, family and chosen friends! Hindi talaga kami in-invite, pinilit lang namin.
“Hindi kami papayag na ikakasal ka magpapalit kami ng apelyido tapos wala kami so pinilit namin talaga pumunta kami,” pahayag pa ni Kim.
Samantala, umaasa naman ang aktres na susuportahan din ng madlang pipol ang teleserye version ng “Linlang” na nagsimula nang mapanood sa ABS-CBN channels last Monday.
“Sobrang excited kasi nu’ng napanood nila na ‘Linlang’ sa Prime Video that was just 40 to 45 percent ng palabas namin. And this time, complete version and mas mahabang version, uncut version of ‘Linlang.’
“Kung nabitin sila sa napanood nila last year, this time bubusugin namin sila ng panggigigil talaga,” aniya pa.
Siguradong mas matindi pa raw ang mararamdamang gigil ng viewers sa teleserye version ng “Linlang” kung saan talagang nagmarka ang role ni Kim bilang si Juliana Lualhati.
“Masayang gigil siya. Natanggal nila takot ko na baka hindi ko magampanan ‘yung role na maayos.
“So nu’ng nakatanggap ako ng hate comments — ito lang ‘yung hate na kaya ko i-accept. Sana nagawa ko nang maayos siguro kinikilig ako may nagagalit sa akin,” ani Kim.
Para sa aktres, ito na ang most challenging character na nagawa niya, “Sobra! Isa siya sa pinaka-out of the box character na ginawa ko and I’m happy I took the challenge. Siya ‘yung biggest and boldest character na pinortray ko sa buong showbiz career ko.”
Bukod sa “Linlang”, makakasama rin ni Kim si Paulo Avelino bilang leading man sa Philippine adaptation ng hit Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim.”
“Ongoing ‘yung taping. Minsan nagkakalatak pa sa ‘Linlang’ kaya nagiging mabigat so parang nasasabi ni Direk Chad (Vidanes), parang ang bigat ng pagkakagawa niyo, light lang tayo.
“Nahirapan kami umalis du’n sa role namin pero wino-work on naman namin and enjoy nakakatuwa. Very fun, very light.
“Para kaming nabaliw dalawa parang lagi kami nag-aaway sa ‘Linlang’ and ngayon hindi kami nag-aaway parang iba naman,” sey pa ni Kim Chiu.