Bongbong Marcos sa pagdalo ng Coldplay concert: Music lover talaga ako

Bongbong Marcos sa pagdalo ng Coldplay concert: Music lover talaga ako

AMINADO si Pangulong Bongbong Marcos na talagang dumalo siya sa concert ng British rock band na Coldplay noong Biyernes, January 19.

Sa isang panayam sa mga reporters nitong Martes, January 23, sinabi niyang ang naturang concert ay hindi talaga dapat palagpasin.

Natanong kasi si Pangulong Bongbong kumg mayroon pa ba siyang “me time” sa kabila ng kanyang “hectic schedule”.

Natanong rin sita kung kasama nga ba sa naturang “me time” niya ang naging pag-attend sa concert ng Coldplay.

Lahad ni Bongbong, “Of course… Siguro by now alam na ninyo music lover talaga ako.”

Aniya, matagal niyang pinag-aralan noon ang musika at ang pagkakaroon ng pagkakataon na mapanood ang British rock band at hindi nito dapat palagpasin.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos dumalo ng Coldplay concert, naka-chopper pa?

“I have been for a long time. I studied music for many years, and to have somebody like Coldplay, unmissable dapat ‘yun. You cannot miss. By the way, it was fantastic,” sey ng pangulo.

Matatandaang naging laman si Pangulong Bongbong ng mga balita nitong nagdaang weekend matapos mag-viral ang photos at videos nito namg dumalo sa concert kasama ang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos at anak nilang si William Vincent.

Bukod pa rito, kumalat rin ang larawan ng tatlong choppers sa naturang venue na pinaniniwalaang sinakyan nilang mag-anak kasama ng iba pang VIPs na dumalo rin sa concert.

Paliwanag naman ng Presidential Security Group (PSG), sa pangunguna ni PSG commander Maj. Gen. Nelson Morales na sinisigurado lang ng mga ito ang seguridad ng pangulo lalo na’t tinatayang nasa 40,000 ang taong um-attendcng concert.

Read more...