Annabelle Rama sa manugang na may leukemia: Ikaw ang pinakamagandang kalbo

Annabelle Rama sa manugang na may leukemia: Ikaw ang pinakamagandang kalbo

NAGLABAS ng kanyang saloobin si Annabelle Rama hinggil sa pakikipaglaban ng kanyang manugang na si Alexa Gutierrez sa sakit nitong leukemia.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes ng gabi, January 23, in-upload niya ang recent photo ni Alexa.

Si Alexa ay asawa ni Elvis Gutierrez, isa sa mga anak nina Annabelle at Eddie.

Buong caption ni Annabelle (published as is): “Sorry Alexa ngayun lang ako nag comment sayu kasi sobrang affected ako sa nanyari sayu. Hindi parin ako makapaniwala,” panimula ni Annabelle.

Aniya, napakabait raw na manugang si Alexa at masinop ito at maalaga sa mga anak.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama sa bonding nina Richard, 2 anak: Haping-happy…hindi na kailangang sabihin

“Matagal kang nakatira sa akin, gf/bf palang kayu ni elvis hanggang sa ikasal at magkaanak kayu ay magkasama parin tayu sa bahay kaya para na talaga kitang tunay na anak,” pagpapatuloy ni Annabelle.

Hindi man daw siya vocal sa kanyang nararamdaman ay alam naman daw ni Alexa kung gaano niya ito kamahal.

“Alam mong hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero alam kong alam mo na mahal kita na parang anak ko na. Kaya alam kong gagaling ka,” sabi pa ni Annabelle.

Habang isinusulat nga raw niya ang kanyang mensahe ay hindi niya mapigilang umiyak.

“I love you Alexa! Don’t worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo! [hearts emojis],” mensahe pa ni Annabelle.

Hiling rin niya na mas lakasan pa ni Alexa ang kanyang loob at huwag itong mag-alala dahil ready silang gabayan ang mga anak nito habang nagpapagaling siya.

Paniniguro ni Annabelle sa manugang, “Huwag kang mag alala sa mga bata. Nanditu kami ni eddie para subay-bayan ang mga anak mo habang nag papagaling kapa.

“Pinagdasal kita everday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery.”

Matatandaang noong January 16, nanawagan si Ruffa Gutierrez ng dasal para sa kanyang sister-in-law.

Read more...