Andrew Schimmer soulmate si Dimps Greenvilla: Masarap siyang mahalin

Andrew Schimmer soulmate si Dimps Greenvilla: Masarap siyang mahalin

NAPANOOD namin ang panayam ni Andrew Schimmer kay Julius Babao na in-upload sa kanyang YouTube channel.

Base sa interview sa aktor ng “Frontline” news anchor, lumalabas na sobrang depressed at hirap siyang maka-move on sa araw-araw nitong paggising na wala ang ina ng mga anak.

Maging ang mga anak niya ay hirap din kaya kahit na anong gawin ni Andrew ay hindi nawawala sa isipan nilang mag-aama ang naging ilaw ng kanilang tahanan.

Pero ngayon ay may nagpapasaya na kay Andrew at sa mga anak nito. Ayon sa panganay na anak ni Andrew, tanggap na nila si Dimps Greenvilla dahil sa nakita nilang napapasaya nito ang kanilang ama.

Muli raw nagliwanag ang kanilang tahanan, pati sa paggising sa umaga ay iba ang hatid nito sa kanila kaya may ngiti na sa kanilang mga labi.

“Lahat po kami malungkot po pero eversince nang dumating si Tita Dimps at ang mga kids niya sa bahay po na family niya it’s been very great din, mas umingay ang house, maraming dumagdag na love na naisi-share,” say ng dalagitang anak ni Andrew.

Baka Bet Mo: True ba, pakakasalan ni Andrew Schimmer may ka-live in at 3 anak?

Base naman sa kuwento ni Andrew kay Julius ay timing ang pagdating ni Dimps sa buhay nila dahil kailangan niya ng support system na hindi naman nila pinuwersa ang isa’t isa na maging sila.

Baka nga raw si Dimps ang ibinigay ni God sa kanya dahil awang-awa na sa kalagayan nilang mag-aama lalo na ang mga bata na longing sa ina.

Sa tanong ni Julius kung magkaibigan sila ni Dimps, “Actually, hindi namin kilala ang isa’t isa. ‘Yung kaibigan niya common friend ni Jho. Nu’ng kilala na niya ako, nakapag background check na siya sa akin because of the common friend.

“Ang (mangyayari) ay tutulungan ko siya kasi nagba-vlog ako nu’ng panahon na ‘yun at nakita niyang nagpo-promote ako ng different kinds of businesses, so, naisipan niya that time na baka puwede kong i-promote, i-vlog at doon nag-start,” aniya pa.

Ang ipo-promote raw ni Andrew ay ang resort business ng pamilya ni Dimps kung saan kasosyo nito ang magulang at mga kapatid, “Vlogger lang ang papel ko para i-promote pero iba ang naging purpose ni God.”

Na-interview rin ang anak ni Dimps na si Belle na masaya rin siya sa pagkakaroon ng new dad dahil nakita niyang masaya ang mommy niya.

Hanggang sa nagkaroon na sila ng constant communication at doon na nagsimula ang lahat-lahat at nakita niya kung anong klaseng babae si Dimps.

Sabi niya, “Masarap mahalin, masarap siyang mahalin, akala ko para siyang si Jho, pero nu’ng lagi na kaming magkasama kaming dalawa pala ang magkaugali at magka-birthday sila ni Jho.”

Nabanggit pa ni Andrew na soulmate sila ni Dimps kasi pati mga guhit sa palad nila ay parehong-pareho.

Read more...