HINDI rin naging madali para sa Kapuso actress at “It Girl” na si Gabbi Garcia ang naging journey niya sa magulo pero exciting na mundo ng showbiz.
Marami ring pinagdaanan at hinarap na matitinding challenges ang dalaga bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon sa bakuran ng GMA 7.
Nai-share ni Gabbi sa latest episode ng online talkshow ni Luis Manzano na “Luis Listens” ang naging humble beginnings niya sa showbiz.
Knows n’yo ba na nag-audition ang girlfriend ni Khalil Ramos sa isang sikat na reality TV show at umabot siya sa third callback pero hindi na nakapasok sa listahan ng mga nakasali sa final list.
Baka Bet Mo: Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project
Naikuwento rin niya ang tungkol sa first encounter nila ni Luis Manzano na siyang host ng isa pang talent competition show na sinalihan niya noong 2000.
Napasabak din si Gabbi sa pagiging model noong kabataan niya at proud na itsinika na naging extra (bit roles) rin siya sa ilang TV show.
Natanong siya ni Luis kung bakit gustung-gusto niyang maging bahagi ng showbiz at talagang kinarir niya para matupad niya ang kanyang pangarap.
“Bata pa lang ako, I really wanted to perform in front of an audience. In short, bida-bida ako noong bata ako,” pahayag ni Gabbi.
Baka Bet Mo: Joshua Garcia, Gabbi Garcia magtatambal daw sa bonggang collab ng ABS-CBN at GMA 7
Pagkatapos naman ng hit collaboration series ng ABS-CBN at GMA 7 na “Unbreak My Heart” kung saan nakasama ni Gabbi sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia at Richard Yap, sasabak uli sa aktingan si Gabbi.
Ka-join uli si Gabbi sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan muli siyang gaganap bilang Alena. Aniya, marami raw bonggang pasabog ang next installment ng classic fantasy-action-drama series ng GMA 7, kabilang na ang mga bagong karakter.
Samantala, looking forward naman si Gabbi sa mga bagong challenge ngayong 2024. Game raw siyang gumawa ng GL (girls’ love) at LGBTQIA+ roles.
“Hindi pa ko nakakagawa ng anything LGBTQIA. Feeling ko masaya din siya gawin,” ani Gabbi.