Maricel hindi pinayagan ni Dolphy na gawin ang ‘Katorse’; Eric ibinuking

Maricel hindi pinayagan ni Dolphy na gawin ang 'Katorse'; Eric ibinuking

Maricel Soriano at Eric Quizon kasama ang iba pang Quizon brothers

NAPAKALAKI ng naging partisipasyon ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa personal na buhay at showbiz career ni Maricel Soriano.

Talagang si Mang Pidol na ang tumayong tatay niya mula noong mapasok siya sa magulo ngunit makulay at exciting na mundo ng showbusiness.

Knows n’yo ba na ang Diamond Star sana ang bibida sa classic Regal Films movie na “Katorse” na napunta kay Dina Bonnevie, pero hindi niya ito nagawa dahil sa nag-iisang Hari ng Komedya.

Nakasama ni Dina sa naturang pelikula sina Alfie Anido at Gabby Concepcion na ipinalabas noong 1981, at in fairness talagang tumatak ito noon sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Maricel napagalitan ng direktor dahil na-late ng 10 minutes sa shooting; bakit tinawag na bruha ni Dolphy?

Sa naganap na presscon ng bagong project ni Maria sa Net25, ang TV series na “3-iN-1” kung saan makakasama niya ang Quizon brother, naikuwento ng premyadong aktres kung bakit hindi napunta sa kanya ang “Katorse.”


“I remember sabi niya sino ba itong kutong lupa na ito, ke bago-bago, daldalera. Pero nag-iisa lang talaga siyang Hari ng Comedy. Si Dolphy po. Yan ang hari po talaga.

“Nabigyan po ako ng pagkakataon na maging part na gumanap sa isang sitcom (John En Marsha) na sila po ang kasama ko (Dolphy at Nida Blanca) kaya napaka-blessed ko po talaga.

“Sa hinaba-haba ng panahon, kapag meron po akong gagawi, magkakatanong muna ako sa ‘Daddy,’ kung papayag siya.

“Kinukuha ako before sa Regal na gawin ko po yung ‘Katorse.’ So nagsabi ako sa Daddy Sabi niya, ‘bakit ganun ang title?’ Parang hindi okay Paka-usap mo sa akin yung manager mo. May manager ka ba?

Baka Bet Mo: Maricel sumabak sa pa-acting challenge ni Vice, gayang-gaya sina Nora, Vilma at Dolphy; winner sa ‘Banayad Whiskey’

“Sabi ko, ‘Opo Daddy. Papupuntahin ko ba rito?’ Oo, kakausapin ko. Tapos hindi ako pinayagan. Hindi talaga ako pinayagan ni Daddy. Kaya hindi ko po nagawa yung pelikulang yun,” pagbabahagi ni Maria.


Patuloy niya, “Nine years old po ako noon. Noong 16 ako, ginawa ko na po yung ‘Underage’ kami pong tatlo ni Dina and Snooky (Serna). Pero hindi pa rin ako noon umaalis sa comedy.

“Tapos na po yun pero hindi naman puwedeng i-deny ako na anak ako ni Dolphy dahil galing po ako sa John En Marsha.

“Sa tunay na buhay miyembro po ako ng broken family. Pero hindi po ibig sabihin nun ay hindi ko naranasan o matikman ang magkaroon ng buong pamilya. Hindi po totoo yun.

“Noong kasama ako sa John En Marsha parang inangkin ko sila bilang nanay at tatay ko. So sila po ang rason kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng may isang buong pamilya. Yan po ang nagawa sa akin ng John En Marsha at ng Daddy,” litanya pa ng Diamond Star.

Ito rin ang dahilan kung bakit close na close rin siya sa mga anak ni Dolphy, lalo na kay Eric Quizon, “Pamilya po kami. Nagmamahalan po kami at may kasamang pananakot yun.”

Kuwento naman ni Eric sa presscon ng “3-IN-1”, “Naging screen partners din kami ni Maria. Isa sa mga unang pelikula ko, si Maria ang naging partner ko. And since then, marami pa kaming nagawang pelikula.

“Ang pinanggalingan naman namin is bata pa kami magkaibigan na kami. At saka parang naging anak na rin siya ng Daddy ko.

“Ang Daddy ko kapag naging anak ka niya sa pelikula o TV, parang automatic anak ka na rin niya.

“Si Maria, 9-years-old pa lamang siya, kasama na siya sa John En Marsha, one of the longest-running sitcoms in the Philippines. It ran for more than 20 years. So matagal talaga silang nagsama. So marmi silang ginawa ni Maria.

“And then kami naman, noong mga panahong nasa Regal pa kami, or mga bata pa kami, naging barkada na kami. We hang out together.

“It came to a point na naging magkapitbahay pa kami. Binubwisit ko siya. Pero siya naman kapag kumakatok sa akin, hindi ko talaga sinasagot,” saad pa ni Eric.

Pambubuking naman ni Maricel sa aktor at direktor, “Nagpi-pretend siya na wala siya sa apartment. Pero sabi ko ‘alam ko nandiyan ka sa kuwarto mo. Lumabas ka dyan!’ Pero tested na ang relationship namin.”

Inamin naman ni Eric na tulad ng tunay na magkapatid, may pagkakataon na nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan at tampuhan.

“Kasi kami kapag halimbawa may sama ng loob, isusumbat iya agad sa akin. Ikaw ha, ganito, ganyan, ganyan. Ako naman, ‘Sorry.’ Para sa ‘yo rin naman yun, di ba?

“So kami, we can tell each other anything at maiintindihan namin yun at nare-resolve namin. Our relationship has reached a point na maski mag-away man kami, ang ending noon, bati pa rin kami.

“Ganyan din kasi ang relationship ko with my brothers and sisters. Maski nag-aaway kami, and ending namin ay bati pa rin kami.Kumbaga yung away na yun, pagkatapos nun, tapos na talaga yun,” sey ni Eric.

Samantala, muli nga silang nabigyan ng chance na magkatrabaho sa latest series ng Net25, ang “3-IN-1” na mula rin sa direksyon ni Eric.

“Madali siyang i-direct. Ang maganda kasi sa comedy, pwede mong i-lead. Kapag may sinabi kang root word, or word that’s important, madaling makuha at madaling daanin sa ad-lib,” sabi ni Eric.

Hirit naman ni Maricel, “Kapag hindi niya ako binigyan ng dialogue nagda-dialohgue ako mag-isa. Madaling pakisamahan si Eric bilang director. Bigyan mo lang siya ng pagkain, tatahimik na yan.”

“Ganu’n talaga ako. Sisigaw ako sa set ng ganito, ganyan. Pero kapag may nakita akong pagkain sa harap ko, tumitigil talaga ako!” ang tumatawang chika pa ng actor-director.

Napapanood na ang “3-iN-1” sa Net25 tuwing Linggo, 8 p.m.. Ka-join din dito sina Epy Quizon, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, Donna Cariaga, Bearwin Meily, Long Mejia at Angie Castrense.

Read more...