HUMABOL sa pagbibigay-pugay at pakikiramay si Gladys Reyes para sa namayapang legendary actor na si Ronaldo Valdez.
Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinandera ni Gladys ang isang video clip mula sa pinagsamahan nilang comedy series na “Bahay Mo Ba ‘To” na ipinalabas noong 2004.
Ayon sa batikang aktres, ngayon lang siya nagkaroon ng tribute dahil hindi siya makapaniwala na pumanaw na ang batikang aktor.
“Thank you Tito Ron…It took a while before I decided to post this, maybe because I still can’t believe he’s really gone,” sey niya.
Caption niya pa, “Here’s a scene from one of my memorable sitcoms in GMA, Bahay Mo Ba ‘To that aired for 2 years with the brilliant, Mr. Ronaldo Valdez.”
“His versatility, wit, kindness and charm will always be remembered,” mensahe rin niya sa IG.
Baka Bet Mo: Alden Richards na-miss ang namayapang ina sa isang eksena sa ‘Family of Two’
Sa comment section, mababasa na maraming netizens at fans ang nami-miss ang mga lumang proyekto ni Ronaldo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Ang galing galing niya kasing actor talaga kaya lahat tayo ‘di makapaniwala na wala na siya…”
“RIP Lolo Sir di po matatawaran ang galing nyo sa pagganap mapa drama, comedy o kahit ano pa pong papel yakang-yaka mo po. Salamat po sa mga magagandang pelikula at teleserye or telenobela [emojis].”
“Yes He’s one of my favorite tatay and lolo sa movies. A brilliant actor from the Philippines [red heart emoji].”
“Nakakamiss ‘yung mga ganyang sitcom noon. Pareho kayong magaling umarte [purple heart emoji].”
Magugunita noong December 17 nang mabalita ang pagkamatay ng beteranong aktor, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
Ito naman ay kinumpirma mismo ni Janno kinabukasan sa pamamagitan ng Instagram post.
Ilan sa mga proyektong ginawa ni Ronaldo na tumatak sa sambayanang Pilipino ay ang mga pelikulang “Cedie”, “The Flor Contemplacion Story”, “Seven Sundays” at marami pang iba.
Napanood din siya sa mga teleseryeng “Mula Sa Puso”, “FPJ’s Ang Probinsyano,” “I Love Betty La Fea” at ang hit digital series na “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.