ISA sa mga bucket list ng aktor na si Xian Lim ay ang mabigyan ng Kapuso series na siya ang magsisilbing direktor.
‘Yan ang inihayag niya mismo sa press conference ng pinagbibidahang “Love. Die. Repeat.”
“Sana po, nananawagan po ako,” sey niya na tumatawa habang sinasagot ang katanungan tungkol sa posibleng filmmaking opportunities sa GMA network.
Patuloy niya, “I’m very grateful. First of all, I want to say that I’m very grateful to GMA. Like ‘Love. Die. Repeat.’ this was the first show that they offered to me. I feel really grateful and I feel really fulfilled.”
Kasunod niyan ay inihayag na niya na nais niyang maging direktor sa isang teleserye dahil ito raw ang nakakapagpasaya sa kanya.
Inalala pa nga niya ang isang episode ng anthology series na “Wish Ko Lang” noong 2022 kung saan siya mismo ang nag-direk nito.
Baka Bet Mo: Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’ para sa kanyang married life
“In terms of genres in directing, I did a project with them last year, isang episode ng ‘Wish Ko Lang.’ Nagkaroon ako ng pagkakatoon d’un. Pero sana,” sambit niya.
Panawagan pa niya, “Sana po may projects where I can do directing because it is what fuels my soul. Talagang masaya-masaya ako when I direct.”
Pagdating naman sa future acting projects, binanggit ni Xian na nais niyang bumida sa mga “dark” genres dahil hindi pa raw niya ito nagagawa.
“I think kung makakuha ko naman ang something dark. In the future, hopefully,” ani niya.
Ang “Love. Die. Repeat.” ay ipinalabas na noong January 15 kung saan katambal ni Xian ang batikang aktres na si Jennylyn Mercado.
Ang kwento nito ay umiikot sa istorya ni Angela (Jennylyn) na desperadong ibalik ang panahon noong buhay pa ang kanyang mister na si Bernard (Xian).
Bukod sa dalawang artista, tampok rin sa serye sina Ina Feleo, Mike Tan, Nonie Buencamino, at Malou de Guzman.