TikToker Arshie Larga sinopla ang ‘long wait’ post ni PAGCOR Director Remulla

TikToker Arshie Larga sinopla ang ‘long wait’ post ni PAGCOR Director Remulla

TikToker and pharmacist Arshie Larga, PAGCOR Director Gilbert Remulla

TRENDING sa social media ang naging reaksyon ng TikToker at pharmacist na si Arshie Larga.

Ito ay matapos maglabas ng hinaing ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Director na si Gilbert Remulla sa sikat na pharmacy chain.

Sa isang X (dating Twitter) post, ibinandera ni Remulla ang “poor service” at matagal na pag-aantay niya sa pila.

“It’s about time Mercury Drug gets some serious competition,” tweet ng PAGCOR Director.

Caption pa niya, “I hope a businessman, entrepreneur or conglomerate can put something together.”

“Their waiting time and service is so bad,” giit pa niya.

Baka Bet Mo: TikToker na nagtuturo ng sign language viral na, pino-promote ang advocacy ng deaf community

Halo-halo ang naging reaksyon diyan ng netizens kung saan ang ilan ay sumang-ayon sa politician, habang ang iba ay hindi nagustuhan ang kanyang reklamo at sinabihan pa siya na “feeling entitled.”

Kabilang sa mga sumopla sa kanya ay ang sikat na pharmacist na si Archie na inihayag ang kanyang saloobin sa kanyang X account.

“I wonder kung gaano siya katagal pumila? What if naghintay ka sa pila dahil maraming bumibili? or maraming kang binibiling gamot at gusto lang siguraduhin na tama ang ibibigay na gamot sayo?” pagkukwestyon niya sa naging post ni Remulla.

Sey pa niya, “Baka sanay po kasi kayo na pagdating niyo pa lang eh gusto niyo kayo agad ang iniintindi.”

Baka Bet Mo: US-based TikToker bilib sa pagiging ‘humble’, ‘genuine’ ni Anne Curtis matapos ma-interview sa New York

May pahabol din siya sa comment na kung saan nanawagan siya na maging mapagpasensya sa pagbili sa botika.

“As much as possible sa botika gusto namin kayo i-serve ng mabilis without committing any dispensing errors,” sambit niya.

Wika pa niya, “Konting patience lang naman ang hinihingi namin, buti sana kung candy lang yung binibili niyo.”

“Kung di naman emergency at hindi kayang maghintay may ibang botika pa naman,” ani pa ng TikTok content creator.

Para sa mga hindi aware, si Archie ay isang registered pharmacist at TikTok star na kilala sa kanyang relatable medical explainers at inspiring videos.

Read more...