Alexa shookt sa pambabasag ni KD sa mga bashers: I am scared…

Alexa shookt sa pambabasag ni KD sa mga bashers: I am scared...

KD Estrada at Alexa Ilacad

PINANINDIGAN ng Kapamilya singer-actor na si KD Estrada ang ginawang pagtatanggol sa kanyang ka-loveteam na si Alexa Ilacad laban sa mga bashers.

Walang pinagsisisihan ang binata sa pagdedepensa niya kay Alexa mula sa pambabastos at pangnenega ng mga nagpapakilalang supporters niya sa social media.

Para kay KD, tama lang na ipagtanggol niya si Alexa sa mga taong puro kanegahan ang ipino-post at ikinakalat sa socmed dahil mahalaga sa buhay niya ang dalaga.


“Para sa akin din naman po kasi even in real life kailangan din po natin i-set ‘yung boundaries.

“Para sa akin when you step over a boundary, that means you are either attacking someone who is very close to me personally.

“Kasi si Alexa for me is hindi na siya work. I don’t consider being with Alexa as work,” mariing pahayag ni KD sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Patuloy pa niya, “I consider her as someone who I have a close connection to, parang family.

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

“She feels so much like family. And when you hurt my family or when you try to attack my family, I will really defend talaga po,” paliwanag pa ng aktor na napapanood sa Kapamilya hit series na “Pira-Pirasong Paraiso.”

Shookt naman si Alexa sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa kanya ni KD, hindi raw niya in-expect na sasabog ng ganu’n ang ka-loveteam at special friend.

“Actually po sa totoo lang nagulat po ako noon. Kasi I remember that moment, magka-text pa kami ni KD, nagtatawanan pa kami.

“For a brief moment hindi na siya nag-reply. Sabi ko, ‘hello, hello nandiyan ka pa ba?’ Tapos biglang ‘yung mga sagot niya, ‘I’m so mad’ ganyan. Nagga-ganu’n na siya.

“Tapos sabi ko, ‘What’s happening?’ Tapos sinabi nga niya, ‘They are doing this to you.’

“Ako po kasi sabi ko 2024 I choose to set boundaries myself and I will not allow anyone else to destroy the peace that I’m making for myself in my life.


“So ‘yung mga ayaw ko na makita ay naka-mute, naka-block, naka-unfollow, everything. So hindi ko nakikita na may ganu’n na palang nangyayari.

“Tapos sabi ko sa kanya huwag na siyang magsalita or ma-stress. Pero kilala ko ito, kapag may gusto siyang gawin especially if it involves me, hindi mo siya mapipigilan. So sabi ko I am scared that you may face backlash if you speak up,” tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.

Reaksyon naman ni KD, “Para sa akin naman ‘yung backlash against me, it’s fine. Pero if it’s towards you, I can not let that happen.”

Last week, kinumpronta nga ni KD ang mga haters ni Alexa kung saan matapang din niyang sinabi na hindi ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa dati niyang fandom.

Magkasama sina KD at Alexa ngayon sa
inaabangan at pinag-uusapang serye ng ABS-CBN na “Pira-Pirasong Paraiso” na magtatapos na next week.

Read more...