Janno sa vloggers at netizens na nag-share ng video ng ama: F**k you!

Janno sa vloggers at netizens na nag-share ng video ng ama: F**k you!

SOBRANG dismayado ang singer-actor na si Janno Gibbs sa ilang vloggers na ginawang content ang namayapang ama na si Ronaldo Valdez.

Matatandaang noong December 17, 2023 nang pumanaw ang beteranong aktor at maraming mga videos ang nagpabasan na nagpakalat ng mga maling kuwento at impormasyon ukol sa dahilan ng pagkawala niya.

At sa nagdaang mediacon ni Janno kasama si Atty. Lorna Kapunan noong Lunes, January 15, nagpahayag ng disappointment ang aktor sa mga taong pinagkakitaan ang kamatayan ng ama.

Bukod pa rito, may ilan ring netizens ang nagpakalat at nag-share ng diguang video ni Rolando habang ang iba naman ay dinasaning siya ang mastermind sa pagkawala ng ama.

Binasa pa nga ni Janno ang ibang mga write ups at content ng ibang vloggers na nagpakalat ng fake news.

“Ganito na ba kababa, kadesperado ang mga vloggers for likes and views, you know, at the expense of our lives, my father’s reputation, my family…

Baka Bet Mo: Janno balak lumipat ng bahay; Kathryn pinayagan sa lamay ni Ronaldo


“Sa kanilang lahat na mga binanggit ko, and pati sa lahat ng mga netizen na nag-share, nagpasa ng video, I want to say ‘shame on you’or better yet ‘F**k you’. That I think that’s the better statement,” sey ni Janno.

Samantala, matapos ang press conference ay nagkausap ang aktor at ang mga pulis at mag-sorry naman ang mga ito sa “palpak” na paghawak ng mga ito ng kaso ni Ronaldo.

QCPD humingi ng tawad sa pamilya ni Janno Gibbs

“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, gayundin sa kanilang mga kaibigan dahil sa sabihin na natin na sakit na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t ibang social media platforms kung saan involved ang isang police sa pagkuha ng video,” saad ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan.

Ayon naman sa inilabas nilang official statement, “The QCPD extends its sincere apologies to the Gibbs family regarding the recent incident where a member of our police force inappropriately took a video of the late Mr. Ronaldo Valdez.

“We acknowledge the gravity of this lapse in judgment of some of our personnel, and we deeply regret any distress this may have caused.

“Rest assured, that swift and decisive action is being undertaken. The involved personnel will face appropriate administrative charges for their actions. We want to emphasize that this behavior is not reflective of the values we uphold in QCPD.

Baka Bet Mo: Janno sa vloggers na nagpapakalat ng fake news: Masarap sanang sampulan!

“We assure you that such incidents will not be tolerated, and we are implementing stricter measures to prevent their recurrence.”

Pananagutin din sa batas ang nakilalang apat na sibilyan na nag-upload ng video ng ama ni Janno sa social media.

“We were able to identify more or less apat na sibilyan na sila ang unang nag-upload sa social media ng video. Mayroon na tayong identification.

“We are ready to file the criminal case. We are just waiting for the family of Gibbs to file a complaint,” paniniguro ni Maranan sa naturang panayam.

Read more...