Ian Veneracion P500k ang TF kada 2 oras, sey ng direktor: OA naman!

Ian Veneracion P500k ang TF kada 2 oras, sey ng direktor: OA naman!

NAGLABAS ng saloobin ang writer-director na si Ronaldo Carballo ukol sa nalaman niyang talent fee ng aktor na si Ian Veneracion sa tuwing maiimbitahan ito sa mga pista sa probinsya.

Sa kanyang Facebook post ay isiniwalat niyang mahal pala ang rate nito para magkaroon ng public appearance.

“Requested sya [Ian Veneracion], kaya kinukuha sya ng Tarlac Festival, to be held on Last Sunday of January, 2024. Sasakay sya sa float at ipaparada sya sa bayan ng Tarlac City. Kakaway-kaway lang sya. Ni hindi siya kakanta,” pagbabahagi ng direktor.

Sinabi raw ng manager ng aktor na kalahating milion ang rate ng alaga for 2 hours at may dagdag kapag lumagpas.

Sabi ng road manager ni Ian, “500K si Ian in two hours sa parade at pag lumagpas ng two hours, may 100k additional per hour.

“Kung may mga kasamang ibang artista, dapat may sarili silang float. ‘Dapat solo lang si Ian sa sarili nyang float at walang kasamang kung sinu-sino'”.

Chika pa ng direktor, dapat raw ay magkaroon ng 50% downpayment kapag nagpirmahan ng kontrata at dapat fully paid na si Ian bago sumakay sa naturang float.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion agaw-eksena sa beach wedding ni Cathy Garcia, nag-paragliding papuntang venue: ‘Pa-Tom Cruise ang grand entrance!’

“Walang problema sa bayad. Matagal ko nang client sila at kung sinu-sino nang nadala kong mga mas sikat pang artista sa Tarlac at wala kaming naging problema”, sabi ng talent coordinator sa writer-director.

Kaya naman ini-report ng coordinator ang lahat ng sinabi ng RM ni Ian sa namamahala ng Tarlac Festival na siyang magbabayad sa mga artistang dadalo.

“Okey naman daw ang 500k kahit sobrang mahal. Ang hindi nila nagustuhan ay yung, ‘Two hours lang si Ian at pag lumagpas may 100k additional per hour'”.

Natakot raw ang production na baka kapag naka-two hours na ay biglang bumaba ang aktor sa float at iwan ang mga tao. Mahal rin kasi ang P100k additional nito lalo na at hindi rin sigurado ang itatagal ng parada.

Binalikan raw ng talent coordinator ang road manager ni Ian at sinabing umayaw na ang kliyente.

Binalikan raw ng RM ang coordinator na pumapayag na daw ang aktor sa P500k hanggang matapos ang parada pero sa kasamaang palad ay ibang artista na ang kinukuha para pumarada.

“Sabi ng Talent coordinator, ‘Hindi bale na po. Kinukontak ko na po si Piolo Pascual as replacement ni Ian’,” kwento pa ni Ronaldo.

Opinyon naman ng writer-director, “OA ang 500k for a parade kahit limang oras pa. Buti kung binabayaran si Ian ng kahit 200k per day taping/shooting magdamag, kung may teleserye sya o may pelikula sya.
Hetong 500k na hinihingi nya, kakaway-kaway lang sya sa parada.”

Tinanong naman niya ang talent coordinator na baka naman ang road manager lang ang nagsasabi ng P500k at hindi naman si Ian.

Sey ng talent coordinator, “Hindi. Si Ian talaga yun. Na-experience ko na rin si Ian noon. Talagang makwenta sya at nagbibilang talaga sya ng oras.”

Samanta wala pang tugon o reaksyon ang kampo ni Ian ukol sa isyu.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyung ito.

Read more...