Janno sa vloggers na nagpapakalat ng fake news: Masarap sanang sampulan!

Janno sa vloggers na nagpapakalat ng fake news: Masarap sanang sampulan!

Ronaldo Valdez at Janno Gibbs

KINUMPIRMA ni Janno Gibbs na hindi na sila magdedemanda laban sa mga taong nagpakalat ng maselang video ni Ronaldo Valdez sa social media.

Kabilang na rito ang mga pulis na unang nag-imbestiga sa pagkamatay ng veteran actor noong December 17, 2023 na natagpuang duguan sa loob ng kanyang kuwarto.

Ang tanging demand ng pamilya ni Janno ay ang pag-iisyu ng public apology ng Philippine National Police-Quezon City Police District (PNP-QCPD) na siyang nagsagawa ng inisyal na pagsisiyasat sa kaso ni Ronaldo.


Ayon sa legal counsel ng pamilya Gibbs na si Atty. Lorna Kapunan sa naganap na presscon ni Janno last Monday, “This is a call for vigilance. For vigilance of all of us who have lost dignity, who have lost the right to privacy.

Baka Bet Mo: Basher na nagpakalat ng fake news laban kay Bela Padilla nag-sorry na, umaming nagsinungaling

“And napakasakit po. Wala nang…have we forgotten to be kind? Have we forgotten to be decent human beings? Yun lang naman po ang sinasabi ng pamilya.

“At the expense of clickbaits, at the expense of hot news, at the expense of media. Where does decency… in the media, not only you guys, but in social media…where has it gone?” bahagi ng pahayag ng abogada.

Patuloy pa niya, “And panawagan din ito sa investigating officers. Dapat kasama kayo dito. Dapat hindi kayo ang kalaban. Kung ngayon, kayo pa ang kalaban, kayo pa ang nag-a-aggravate ng situation, hindi naman po sana. Hindi naman po ata tama.

“At panawagan din sana ito sa mga mambabatas natin. Na tingnan natin. Patibayan natin ang crimes of electronic media. Patibayan natin ang right to privacy.

“At iklaro natin, ano ba ang function ng isang investigating agency? Especially those who are resposible for thoroughly investigating the crime scene.


“Masaklap, pati yung slug ng baril, hindi nakita. And I understand, ni walang gloves. Walang gloves yung nag-investigate, ‘no?

Baka Bet Mo: Bwelta ni Mega sa nagpakalat ng balitang patay na si Fanny Serrano: Ang sasama n’yo!

“They were handling the weapon without gloves. Not only that, in the data gathering, pag nag-file ng kaso… e, damaged na yung evidence.

“So, panawagan din ito sa mga investigating…I’ve been a practicing lawyer for many, many years. And talagang problema ang investigating process.

“Walang nako-convict na tama, kasi palpak ang investigation. So, panawagan din ito,” paliwanag pa niya.

Tungkol naman sa mga vloggers na nagpakalat ng mga fake news tungkol sa pagkamatay ng beteranong aktor, napabuntong-hininga muna si Janno bago nagsalita.

“Personally, we want to. Pero ang dami, e. Napakarami. Sa dami nu’n at most of them are anonymous, di ba? I understand, yung iba, nasa ibang bansa pa. So, medyo mahirap.

“As much as we want to, mahirap. Mahirap. Masarap sanang masampulan man lang yung isa,” aniya.

Samantala, nabanggit din ni Atty. Kapunan ang ginagawang panghaharas sa kampo nina Janno, “The family is still being harassed, ‘no. Pinapapunta sa station para kumuha ng kopya ng report. E, nagbigay na ng Viber report.

“Mga ganyan, small things na… why are they doing this? Are they hungry for media attention?

“Minsan ganyan kasi sa… hindi naman po lahat ng pulis, ganu’n. Pero merong… dapat weeding out na rin,” mariing sabi ng abogada.

Read more...