Sam Verzosa
“VIVA NAZARENO!” Patuloy pa rin ang pamamanata ng TV host at public servant na si Sam “SV” Verzosa sa Mahal na Itim na Nazareno.
Muling sumabak sa “lubid” at sumampa sa Andas ng Nazareno si SV nitong nagdaang Traslacion 2024 na ginanap last January 9.
Ito ang kanyang ika-15 taong pamamamata sa Mahal na Nazareno kung saan nakiisa nga siya sa prusisyon na dinaluhan ng mahigit 6.5 milyong deboto. Nakayapak na naglakad patungo sa Quiapo si SV bilang parte ng kanyang panata.
Baka Bet Mo: Rhian, Sam magkasama na sa GMA 7, chinika ang love story nila: ‘Pareho ang gusto namin…’
Makikita sa video ang kalbaryong pinagdaanan ni SV sa pakikipagsiksikan sa libu-libong deboto para makasampa sa andas at makapagdasal sa Krus ng Nazareno.
“Sobrang saya makasampa muli at makapagdasal sa Krus ng Itim na Nazareno. Ilang beses ako nahulog, nahila at nahawi at yung pakiramdam na ubos na yung lakas mo at hindi ka na makahinga sa pagkaipit sa dami ng tao.
“Pero paglapit sa andas, binuhos ko yung natitirang lakas ko para makasampa at makapagpasalamat sa Poon kahit ilang segundo lamang,” saad ni SV.
Batang Sampaloc, Manila si SV at nu’ng taong 2009 siya unang naging deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at malaking impluwensiya rito ay ang kanyang yumaong ama para sa kanyang matatag na pananampalataya.
“Nu’ng bata pa kami, palaging turo ng tatay ko sa amin na huwag na huwag makalimot sa Diyos, maging mabuting tao at tumulong sa kapwa.
@samverzosaofficial Masaya dn ako at Nakasalang din kami sa lubid at nakapagdasal kahit sobrang hirap nitong mahawakan para mabalikat at pag ingatan ang aming pwesto sa dami ng humihila at gustong makapasok dito.. sobrang sarap ng pakiramdam na makapagdasal habang nasa balikat mo ang lubid sa gitna ng hirap ng pagka ipit at makakonekta kay Mahal na Nazareno at magtamo ng kagalingan, kaginhawahan at pinaka mahalaga ay ang magpasalamat sa mga dasal na tinupad nya at mga biyayang binigay at ibibigay pa nya. Simbolo din ang pagpasan ng lubid sa balikat sa pagsama sa paghihirap ni Kristo sa kanyang pagpasan sa krus. Nagyong taon 2024 napatid ang isang lubid at isa lamang ang natira kaya mas mahirap sumalang ngayong taon.. etong lubid nato dn ang representasyon ng hamon para maayos naming maihahatid na mga namamasan pauwi ang Senyor Nazareno sa Simbahan ng Quiapo. Espesyal dn ang taon nato dahil bukod sa eto ang aking pang labing limang(15) taong Annibersaryo na pamamanata eh may isang pamilya din kaming tinulungan at sinagot ang kanilang mga dasal. Naging Instrumento tyo ng Mahal na Nazareno para makatulong at tumupad ng kanilang mga dasal at kahilingan.. Papuri lahat sa Diyos 💫🙏🏼 Napaka dami na talagang Milagrong ginawa saking buhay ang Mahal na Poong Nazareno at patuloy padin nya ako pinagpapala at binibiyayaan ng grasya. Kaya ako naman ngayon ang nagbabalik sa aking kapwa ng lahat ng kanyang biyayang bingay sakin.. lahat ng eto ay dahil sa aking matinding debosyon at paniniwala kay Jesus Nazareno 🙏🏼 VIVA Padre Jesus Nazareno 💫 VIVA!!! #Nazareno #Traslacion2024 #SV #BatangSampaloc #BatangMaynila ♬ original sound – Sam Verzosa
“Nagsisimula pa lang ako sa buhay at sa negosyo noong 2009 nang una akong namanata at nanalig sa Poong Nazareno na sana matupad lahat ng aking dasal at pinapangarap sa buhay.
“Paglipas ng 15 taon, sobra-sobrang biyaya ang ipinagkaloob ng Diyos sa amin kaya naman patuloy akong nagpapasalamat sa Kanya at binabalik ko sa tao ang mga biyayang pinagkaloob sa akin,” ayon kay SV.
Baka Bet Mo: LIST: Mga paalala ng Quiapo church para sa Traslacion 2024
Kasama ni SV si Jayson, isang 27 taong gulang na construction worker na nakatira sa Payatas, Quezon City, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Bagong deboto ng Nazareno si Jayson at pinagdarasal niya ang paggaling ng kaniyang anak na may hydrocephalus.
Mapapanood sa “Dear SV” sa GMA 7 ngayong Enero ang buong kwento ni Jayson at kung paano siya tinulungan ni SV na makalapit sa andas ng Poon ng Nazareno at paano naging instrumento si SV para matupad ang mga dinadasal ni Jayson kay Nazareno para sa anak niya at sa kanyang pamilya.
“Marahil ito ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang pamamanata ko sa Mahal na Nazareno nang 15 na taon. Para makapagpasalamat at para mapakita sa sarili ko, sa kapwa at sa Panginoon kung paano ko tratuhin ang buhay, na may pananampalataya, tapang, pananalig at determinasyon na hinding hindi susuko maabot lang ang mga pangarap,” pahayag pa ni SV.