Inamin ni Iñigo na “buwis-buhay” para sa kanya ang pagkanta ng “Kahit Isang Saglit” na unang kinanta ni Verni Varga at pinasikat din ni Martin Nievera at ng tatay niyang si Piolo Pascual.
Nag-post ang binata sa kanyang Instagram page ng video kung saan ibinibirit nga niya ang sikat na kanta at inaming totoong nahirapan siyang abutin ang matataas na nota ng kanta.
“Sharing this clip of me trying to sing ‘Kahit Isang Saglit’ THIS WAS SO DIFFICULT FOR ME, or I just can’t pull of Ballads,” ang caption ni Iñigo sa kanyang IG post at itinag pa si Papa P at si Martin.
Mensahe pa ng singer-actor bago kantahin ang classic OPM hit, “What’s up, y’all! I do not sing ballad songs. It’s not my genre and I’m not good at it but here we are.
“This is one of my favorite songs of all time, of course by Tito Martin and my dad (who) has influenced me as well.
“I love both of you and this song is so beautiful but I don’t know how you guys just do it,” lahad pa ng aktor.
In fairness, tagos na tagos din ang version ni Iñigo ng “Kahit Isang Saglit” habang tina-try abutin ang birit parts ng song. Hirit ng binata sa gitna ng kanyang performance, “I’m about to pass out.
“This is why I don’t sing ballads. I feel like I just died singing this song,” hirit pa ng anak ni Papa P.
Aprub na aprub naman kay Martin Nievera ang version ni Iñigo sa naturang kanta, “You sing it perfectly. Tama si Darren (Espanto) with add libs and your own style too.