Siomai King naghari na naman bilang Franchise Hall of Famer 2024

 

Siomai King naghari na naman bilang Franchise Hall of Famer 2024

Franchise Hall of Famer 2024

NOONG nakaraang Enero 7, pinarangalan sa Asia Leaders’ Awards ang “Siomai King” bilang Franchising Hall of Famer of the Year.

Ito ay karagdagang pagkilala at parangal sa “Siomai King” matapos magkakasunod na taong kinilalang “Franchising Company of the Year” noong 2020, 2021 at 2022.

Iginawad ni Malaysian Ambassador to the Philippines H.E. Dato Abdul Malik Melvin Castellino ang parangal kasama sina  Tag Media Group Chief Executive Officer Andrew Nicolas at Chief Operations Officer Engr. Grace Bondad Nicolas.

Ang paggawad ng parangal ay nasaksihan ng 3,000 katao na dumalo sa JC Go Global 2024 Kick-Off sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

Kasabay nito, ipinakilala nina Siomai King founders Jonathan So at Carlito Macadangdang ang dagdag at bago sa kanilang menu, ang Adobo Siopao.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family

Ilan sa mga nasa pagdiriwang ang nakatikim ng bagong produkto at napatunayan na posible na ang paborito na adobo ng mga Filipino ay matitikam nila sa siopao.

Patunay lamang ito na ang Siomai KIng ang isa sa mga nangungunang food cart business sa bansa.

 

Pagtupad  ito sa pangako ng mataas na kalidad na produkto at magiging susi para mas magtagumpay pa ang kanilang franchisees.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni So ang kahalagahan ng malikhaing pag-iisip at talento para sa ikakatagumpay ng negosyo ng hindi binabago ang “puso” ng produkto.

Dapat din aniya nakatuon ang pansin ng lahat sa hinaharap para patuloy na makapag-isip ng bago.

Sinabi naman ni Macadangdang na kailangan din na maging “flexible’ para sa mga pagbabago at dito nakilala at lumago ang Siomai King.

Bukod pa sa naging “online franchise” at sa mga interesado maaring bisitahin ang House of Franchise website, www.houseoffranchiseinc.com o magtungo saHouse of Franchise mega office sa 35 Shaw Boulevard, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Read more...